X9: Trip to Japan
NESSIE*
Ano bang pumapasok sa utak ng Louis Vuitton na yun at ganung mga banat ang binibitawan niya sa harap nila Kuya?
Nakakalito.
One time I'm his enemy, then the next second may pa-'court court' na siyang linyahan.
"Bess, okay ka lang?" rinig kong tanong ni Ar na ikinabalik ko sa real world.
Lunch break na pala kaya kaunti na lang kaming andito sa room.
Nag-unat ako sandali saka ay hinarap siya na naglalabas na ng baunan niya.
"Oo naman. May iniisip lang." sagot ko at nginitian siya.
Kinuha ko na rin sa bag ko yung lunch ko.
Mukhang naniwala naman si Ar dahil hindi na siya nagtanong pa.
"Nga pala, pupunta kaming Japan sa makalawa, birthday ni Papa." pagpapaalam ko sa kanya.
"Eh? Ready ka nang harapin ang erpats at lolo mo?" tanong niya na ikinabuntong-hininga ko.
"Hindi pa. Nagtataka lang ako kung bakit after all this time eh naisipan niyang imbitahin kaming mga anak niya, di ba? Why now of all times?" sagot ko sa kanya.
Napakunot noo naman si Ar.
"Tama, Tama. Nakakapagtaka nga." sang-ayon ni Ar na tumatangu-tango pa.
"Hindi kaya, may masamang binabalak ang tatay mo? O kung hindi naman kaya ay yung lolo niyo?" ani ng bagong dating na si CL na ikina-isip ko.
Pwede ngang ganun.
After all, ang matandang yun ang dahilan ng lahat ng problema namin.
---
"Nessie, bangon na diyan. Lalabas tayo para mamili." rinig kong sabi ni Kuya Nevo na ikinailing ko.
Ayokong umalis! Gusto ko pang matulog!!!
Ba't kasi walang nagsabi sa kin na nakaka-stress palang mangibang bansa?!
Ang aga aga kong nagising, three hours before the flight nasa airport na kami para mag-check in. Tapos bangungot pa yung paghihintay lumarga yung eroplano.
Feeling ko isang dekada akong nakaupo sa upuan ko. At nung lumarga na kami eh halos sumabog yung mga eardrums ko.
Kaya hindi nakakapagtaka na mukha akong lantay gulay dito. Masyado akong na-drain.
Feeling ko physical form ko lang ang nasa Japan at naiwan pa rin sa Pilipinas ang kaluluwa at presence of mind ko.
"Tara na baby girl! Bibili tayo ng ice cream at merch!" sabi naman ni Kuya Nero na ikinatayo ko agad.
"I'm awake, alert, alive EN-THU-SI-AS-TIC!!!" sigaw ko.
Merch!!! Hehehe!
Hindi na ako nagbihis pa, tutal hindi naman red carpet ang pupuntahan namin. Naka-black jacket, black cargo pants, black boots at naka-black bonnet ako.
BINABASA MO ANG
EXODUS: The Sakura Princess
ActionExodus, ang pinakamagaling at kinatatakutang pangalan sa mundo ng mga gangsters sa Pilipinas. She may be a small woman, but she fights like a pro. Lingid sa kaalaman ng nakararami, likas na nananalaytay sa dugo niya ang pagiging parte ng mundo ng gu...