X1: Clash of the Queen and the King

230 7 0
                                    

X1: Clash of the Queen and the King

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

X1: Clash of the Queen and the King

Present day...

NESSIE*

Transferee... Yan na lang ang nangyayari sa kin halos every semester.

And for the nth time, nagtransfer na naman ako ng school. Nakailang bese na nga akong umulit ng isang grade dahil sa kakalipat namin.

Ang dami kasi naming stalkers. Buti sana kung normal na stalkers lang, eh yung samin stalker/killer eh. Kaya no choice kami kundi magpalipat lipat.

Kaya heto ako, second year BSBM student pa lang kahit 23 na ako. Sa Hernandez-Reill University ako ngayon na-enroll.

Nakakatawa nga kasi kilala rin bilang Hell University ang school na to. Ang weird and at the same time ang cool ng name nung school. Naastigan ako.

"Nessieee!"

Napatakip ako ng tenga ko sa malakas at very very VERY familiar na sigaw na yun.

Walangya, ang aga aga, makasigaw tong babaeng to wagas!

"Kailangang i-anounce?" tanong ko sa kanya.

Namatay sina Tito at Tita sa isang car accident nung mag-13 kami ni Ar. Simula noon ay kami na ng mga kapatid ko yung tinuring niyang pangalawang pamilya. At dahil sa nag-iisa lang siyang anak ay siya ang nagmana ng lahat ng ari-aran at naipundar ng nanay at tatay niya.

Pero kahit na pwede na sanang mag-Donya ang babaeng to ay mas pinili niyang sumunud-sunod sa min ng mga Kuya ko, especially sa kin.

"Don't tell me, nagtransfer ka rin?" tanong ko.

Ngumiti lang siya at mabilis na tumango tango.

Napailing na lang ako.

See, ayaw niyan na naghihiwalay kami. Kaya kahit graduate na siya sa HRM na course 2 years ago ay bumalik ulit siya sa college para mag-aral kasama ko.

Pustahan, siya yung may-ari nung bahay sa tabi namin.

"Nilutsay mo na naman ang pera mo." sabi ko saka naglakad na papasok sa eskwelahan.

"Ano ka ba, kikitain ko rin naman pabalik yun." sabi niya na nakasunod sa kin.

I rolled my eyes.

Kung siya gastador, ako naman suuuuuper kuripot. With many 'u' dahil kuripot talaga ako basta usapang pera.

May pinag-iipunan kasi ako.

Kung ano yun? SECRET, walang clue... :P

Napansin kong nagsitabi yung mga nakakasalubong namin.

Huh?

Anong meron?

"Hala Bess, baka alam nilang ikaw si Ex!" bulong sa kin ni Ar.

EXODUS: The Sakura PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon