X2: Monster VS Duwag
NESSIE*
Ay grabe~ Nakakapagod...
Kakauwi ko lang galing sa isa sa mga part time jobs ko kaya pagod na pagod ako.
Oo, MGA. As in marami.
Nagpapayaman nga ako di ba?
Pagkaupo ko sa kamaay nakarinig ako ng mahinang kalabog galing sa kabilang kwarto.
Walangya ka Kuya Neroooo!
Babaero yang Kuya ko na yan kaya hindi na ako magtataka kung one day malaman kong may isang basketball team at cheering squad na siyang mga panganay.
Isinalpak ko yung earphones ko sa tenga ko at nagpatugtog na lang ako para hindi ko marinig ang kababalaghang ginagawa ng kapatid ko.
Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko.
Aish... Sana naman may mangyaring makabuluhan bukas...
- - -
Lunch break na at kasalukuyan kaming nasa cafeteria ni Ar at kumakain ng lunch.
Papasubo na sana ako ng palabok nang gumana ang radar ko. Nag-angat ako ng tingin at eksaktong nakasalubong ko ang mga mata ni LV.
Ngayon ko lang napansin, ang ganda ng mata niya. Parang...
"Look what we've got here..."
Ay tangna. Aawayin lang ata ako nito. Mas mabuti pang kumain na lang ako.
Kaya naman, isinalpak ko na lang ang earphones ko sa tenga ko saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Nang maubos ko na yung palabok ko ay saka pa lamg ako nagtaas ulit ng paningin.
Ewan ko ba, naalibadbaran talaga ako sa LV na yan. Ako daw kasi yung gf niya. I mean, si Exodus pala... my other persona. I mean, yung pekeng doppleganger ko pala.
Kaya kapag nakikita ko yung mukha niya parang gusto kong manapak. And luckily, wala na siya sa harap ko.
Good.
Napalingon ako sa tabi ko. At wala na rin ang bestfriend kong tinalo pa si Dora.
I sighed and stood up.
Dinala ko yung pinagkainan ko sa counter kung saan inilalagay ang mga hugasin bago ako lumabas sa cafeteria.
Nagulat ako nang pagkalabas na pagkalabas ko ay may bumato sa kin ng chocolate cake.
Shit! Mahirap pa naman tanggalin ang mantsa nito, lalo na't color white tong damit ko! Sino ba kasi ang walang sikmurang nagtapon sa kin ng isang pirasong cake?!
Napalingon ako sa direksyon kung saan galing yung cake. Nang makita ko ang mga nasa sampung estudyante na may hawak-hawak na kung anu-anong mga pagkain ay napatakbo na ako palayo. Nang hinabol nila ako ay mas binilisan ko pa ang takbo ko.
BINABASA MO ANG
EXODUS: The Sakura Princess
ActionExodus, ang pinakamagaling at kinatatakutang pangalan sa mundo ng mga gangsters sa Pilipinas. She may be a small woman, but she fights like a pro. Lingid sa kaalaman ng nakararami, likas na nananalaytay sa dugo niya ang pagiging parte ng mundo ng gu...