X6: Unmasking
NESSIE*
Habang sinusuklay ko yung buhaghag kong buhok ay napatitig ako sa sarili kong repleksyon.
Tatlong araw na ang lumipas simula nang dalhin ako sa ospital ni Hernandez. At tatlong araw na rin akong naguguluhan sa nararamdaman ko.
Napabitiw ako sa hawak kong hairbrush.
Napapraning na ba ako?
"Bunso, kakain na!" rinig kong tawag sa kin ni Kuya Nevo mula sa baba.
Kaagad na itinali ko yung buhok ko. Pagkababa ko ay nakita ko silang tatlo na nasa mesa na at hinihintay na lang akong dumating.
"Okay ka lang Princess?" tanong sa kin ni Kuya Neon pagkaupo ko sa harap niya.
Ngumiti lang ako at tumango.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganun yung inasal ko nang araw na yun.
I felt cold that day but when I held LV's hand, I felt better for some unknown reasons. Parang ang gaan lang sa feeling. I felt safe and warm.
Natigilan ako sa pagsubo ng kanin.
Siguro nagdideliryo ka lang dahil sa lagnat mo ng mga panahong yun kaya ganun.
Napatango ako.
May sense naman. Siguro nga nagdidileryo lang ako nun.
Nagpatuloy na akong sumubo ng kanin.
Pero pano pag may ibang meaning pa pala yung feeling na yun? Shocks.
"Ahhh, Ness... May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Kuya Nevo.
Napataas ang paningin ko at napansin kong pare-pareho silang tatlo na nag-aalala sa kin.
Napalunok ako sa kaning sinubo ko.
Itatanong ko ba o hindi?
"Ah, Kuya. Ano bang feeling ng in love?" tanong ko.
Sabay-sabay na nalaglag yung kanin sa bibig ni Kuya Nevo, nabilaukan si Kuya Nero, at naibuga ni Kuya Neon yung iniinom niyang juice pagkasabi ko nun.
"Ba't mo naman natanong yan?" umuubo pang tanong ni Kuya Nevo.
I shrugged my shoulders.
"Curious lang?" sagot ko na mukhang hindi naman nila pinaniwalaan.
Nagulat ako nang sabay-sabay silang nagsitayuan.
"PUTANGNA! NEVO KUNIN MO YUNG SHOTGUN KO! NERO TAWAGAN MO ANG LAHAT NG MGA UNDERLINGS NATIN! BILIS!" sigaw ni Kuya Neon na nasa lababoat naghihilamos.
Ha? Anong nangyayari? Anong meron? Akala mo naman susulong kami sa kung saang gyera.
"Anong meron? Saan ang trobol?" tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
EXODUS: The Sakura Princess
ActionExodus, ang pinakamagaling at kinatatakutang pangalan sa mundo ng mga gangsters sa Pilipinas. She may be a small woman, but she fights like a pro. Lingid sa kaalaman ng nakararami, likas na nananalaytay sa dugo niya ang pagiging parte ng mundo ng gu...