X5: She's Not a Monster

152 4 0
                                    

X5: She's Not a Monster

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

X5: She's Not a Monster

NESSIE*

"Bess, bumalik ka na sa hospital. O di naman kaya magpahinga ka kaya muna, please?" pangungulit sa kin ni Ar.

Nagmake-face na lang ako. Kanina pa yan nangungulit sa kin sa bahay.

Isang araw lang ako nag-stay dun sa ospital pero feeling ko isang century na ang lumipas.

"Bess, alam mo namang ayoko dun. Bukod sa mabaho, nakakabored, maingay at mabaho, nakakabawas lang yun ng kayamanan at nasabi ko na bang mabaho talaga dun?" sagot ko sa kanya.

"Gaga ka ba?! Kung wala ka sanang sugat papayagan pa kita, pero tatlo yang tama mo! Mayghad!" hysterical na sigaw niya.

Napatingin-tingin ako sa hallway, buti na lang walang tao na pwedeng makarinig.

Ang OA talaga ng kaibigan kong to. Isang lang naman yung tumama talaga sa braso ko at dalawang daplis sa tagiliran at ulo ko.

Okay na naman ako, though kumikirot lang yung tama ko sa balikat. Pero all in all, I'm still alive and kicking and ready to face those hired assassins again.

Pinag-iisipan ko na rin nga ulit lumipat ng school kahit kasisimula pa lang nung semester. Mahirap na, baka bumalik na naman ang mga yun dito.

"Arliza! Nessie!"

Napalingon ako sa direksyon ng sigaw.

Si CL pala kasama ang mga tukmol niyang mga kaibigan. Lumapit sila sa min ni Ar. Napatingin ako kay LV.

Ang sabi ni Ar nawalan siya kahapon ng malay dahil sa pagkakatulak ko.

"Uy Monster, pauso mo? Ano yun, kunyari nabaril ka?" tatawa-tawang tanong ni LV.

Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi niya.

Punyemas! Kung alam mo lang na ikaw ang may kasalanan nitong gunggong ka!

"Una na ko Ar sa klase." malamig kong sabi saka ay tinalikuran na sila.

"Teka Nessie!"

Bigla namang may humawak sa balikat ko, at dun pa talaga sa parteng tinamaan!

"Fuck!" mura ko.

Halos manlaki ang mata ni CL nang makita niyang may nagmantsang dugo sa puting blouse ko.

Naman eh! Kabibili ko nga lang nitong blouse ko, bibili na naman ako ng bago!

"N-Ness, napano yan?" nanginginig ang boses na tanong ni CL.

"Sabi ko na nga ba sa yong bruha ka eh! Tingnan mo, dumugo na naman yang tama mo! Sa susunod kasi wag mo nang salagin yung balang di naman para sa yo!" sigaw ni Ar saka pinunit ang manggas ng blouse ko.

Yung blouse ko!

Tinanggal niya yung duguan kong bandage saka ay pinalitan iyon ng panyo niya. Napaigik ako sa sakit nang lagyan niya ng pressure yung sugat ko. Galit ba sa kin ang babaeng to?

EXODUS: The Sakura PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon