X3: A Café, a Piano and a Fight

122 4 0
                                    

X3: A Café, a Piano and a Fight

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

X3: A Café, a Piano and a Fight

NESSIE*

Kahit na masama ang pakiramdam ko dahil sa mga nangyari kanina sa school ay pinilit ko pa ring pumasok sa isa sa mga part time job ko.

Isa akong waiter/server/janitress/dishwasher sa isang café. Nakadepende kasi ang magiging trabaho ko sa kung ilan kaming lahat na pumasok sa araw na yun.

For example, hindi pumasok yung dishwasher namin ngayon, kaya ako ang magiging dishwasher for the meantime. Pero kapag complete attendance kaming lahat, server ang trabaho ko.

Hinihintay ko lang na mag-8 para matapos yung shift ko. At dahil wala namang customer ay naupo na muna ako sa isa sa mga table at gumawa ng isa sa mga assignment ko.

Napaangat ang paningin ko nang lumapit sa kin si Kuya Mike, yung security guard ng café na pinagtatrabahuan ko.

"Mel, okay ka lang? Ang tamlay mo ngayon." tanong niya.

Mel ang tawag ng mga katrabaho ko sa kin. Nickname ko yun from my third name Mellen.

Mabait si Kuya Mike pati na ang mga katrabaho ko kaya hindi ko sila tinuturing na iba. Pero hindi nila alam ang pagiging gangster ko.

Nginitian ko siya.

"Okay lang po ako Kuya Mike. Medyo pagod lang po ako." sabi ko.

Napadako ang tingin ko sa isang piano na nasa gilid at biglang nagningning ang paningin ko. Yung para bang sa anime na may bulaklak bulaklak pa na effects sa background.

"Kelan pa po yang pianong yan nandiyan?" tanong ko kay Kuya Mike sabay turo dun sa piano.

"Ah, kanina lang yan dumating. Hindi mo siguro napansin kasi parang lutang ka kanina." sagot ni Kuya Mike.

Napakamot ako sa batok ko. Hehe.

"Pwede ko ho bang magamit kahit sandali lang? Matagal na po kasi akong hindi nakakatugtog." sabi ko.

Hindi na kasi namin nadala yung piano na pamana pa sa min ni Mama. Di bale, babalikan din namin yun one of these days kapag nakaipon na kami.

"Okay lang naman siguro. Basta wag mo lang sirain." sagot niya na nagpangiti sa kin ng wagas.

Mabilis akong lumapit sa piano at naupo sa harap nito. Nagsimula na akong tumugtog at kumanta.

🎶 ~Saigo ni kimi ga hohoende
Massugu ni sashi dashita mono wa
Tada amari ni kirei sugite
Korae kirezu namida afureta

Ano hi kitto futari wa ai ni fureta

Watashi-tachi wa sagashi atte
Toki ni jibun wo miushinatte
Yagate mitsuke atta no nara
Donna ketsumatsu ga matte ite mo

EXODUS: The Sakura PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon