Year 2008
-----
NESSIE*
Pagkagising ko ay naramdaman kong napakasakit ng ulo ko at medyo nakakaramdam na ako ng chills.
Argh... Lalagnatin ata ako...
Nagtalukbong ako ng kumot saka ay pumikit ulit para sana matulog pa.
Ang tigas naman kasi ng ulo ko. Biruin mo bang magbunot pa ng damo kahit umuulan na. Ang sama-sama ng pakiramdam ko tuloy...
Biglang may kumatok sa pintuan ko na ikinadilat ng mga mata ko.
"Ness?"
Kaagad na napabangon ako nang marinig ko ang boses ni Kuya Neon.
"Teka Kuya!" sigaw ko.
Mabilis kong tinanggal yung kumot na nakabalot sa kin at saka ay bumangon. Dali-dali kong inayos ang sarili ko. Kung may dapat pa bang ayusin sa sarili ko.
Inayos ko yung suot kong tabingingT-shirt na maluwag at inayos ko yung pagkakatali ng buhok kong buhaghag at minsan lang masuklay ng matino.
Nang feeling ko presentable na yung hitsura ko ay saka ko palang binuksan ko yung pinto at lumabas.
"Wazzup Kuyz?" nakangiting bati ko kay Kuya Neon.
"Ganyan na naman ang suot mo." naniningkit na sabi ni Kuya.
Napakamot ako ng batok.
"Hehe, eh mas komportable ako dito Kuya eh." depensa ko.
Napailing lang si Kuya.
"May bisita tayo. Baba ka muna." sabi niya.
Tumango ako at naglakad na pababa.
Sino namang bibisita sa min, eh wala naman kaming kilalang kamag-anak na pwedeng bumisita sa min? Wala rin naman akong kaibigan na pwedeng bumisita sa kin.
Pagkababa ko ay agad na nabadtrip ako nang makita ko kung sino yung 'bisita' namin.
Babalik na sana ako sa kwarto ko pero humarang si Kuya Neon sa daraanan ko.
"Harapin mo siya Princess. Kausapin mo si Papa." sabi niya.
Napataas ang kilay ko.
"Matagal nang patay ang Papa ko. Ang Papa natin." malamig na sabi ko.
Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig niya. Pupunta na lang ako sa kusina.
Ang kaso, nakaharang naman sa may pintuan si Kuya Nero.
"Princess..." aniya.
Sa C.R.
Kainis, si Kuya Nevo naman yung nakaharang. Pinagkakaisahan ba ko ng mga Kuya ko?
BINABASA MO ANG
EXODUS: The Sakura Princess
ActionExodus, ang pinakamagaling at kinatatakutang pangalan sa mundo ng mga gangsters sa Pilipinas. She may be a small woman, but she fights like a pro. Lingid sa kaalaman ng nakararami, likas na nananalaytay sa dugo niya ang pagiging parte ng mundo ng gu...