X23: EXODUS - The Final Chapter

103 3 0
                                    

X23: Exodus - The Final Chapter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

X23: Exodus - The Final Chapter

NESSIE*

Inabot ng nanginginig kong kamay yung sobre mula kay LV at inilagay iyon sa bulsang nasa loob nitong jacket na suot ko.

"Sure." pilit nanginitian ko siya.

I already knew that things like this could've happen. I already expected this kind of scenario.

Pero masakit pa rin pala kahit expected mo na.

"You can come too if you want." nakangiti niyang sabi.

Gago ka ba? Ba't naman ako pupunta sa kasal mo? Gusto mo ba talaga akong mamatay sa sakit sa puso?

Napalunok ako ng laway at nginitian siya.

"I don't think I can. Babalik na kasi ako ngayong araw sa Japan." palusot ko.

Nawala yung ngiti niya at napasimangot.

"Ay, sayang." malungkot niyang sabi.

Naisipan ko nang sumibat habang hindi pa ganun ka-awkward yung sitwasyon at habang hindi pa ko nagbi-breakdown.

"Sige, alis na ko, baka malate pa ko sa flight ko." paalam ko habang dahan-dahan akong tumatayo sa swing.

"It's nice meeting you, Louis Vuitton." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Nice meeting you too, Nessie." balik niya sa kin.

I turned my back to him and walked away as quickly as I could. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay narinig kong tinawag niya ang oangalan ko.

"Nessie!"

Napalingon ako sa direksyon niya at nakita ko siyang kumakaway-kaway at nakangiti sa kin na parang sira.

"See you later!" sigaw niya.

Kinawayan ko siya pabalik saka ay tuluyan nang naglakad paalis.

Nang kinuha ko na yung susi ng motor ko sa jacket ko ay may nakapa akong papel sa loob.

Yung wedding invitation.

Napaatras ako bigla palayo sa motor ko.

I can't do this.

Mabilis na naglakad ako palayo sa motor ko at naglakad papuntang highway. Pagkarating ko sa kanto ay pumara kaagad ako ng taxi.

"Saan po kayo Maam?" tanong ng driver sa kin pagkasara ko nung pinto.

"Sa airport Kuya." sagot ko.

Pagkaandar ng taxi ay kinuha ko yung cellphone ko sa isa ko pang bulsa.

I immediately called Juna.

"Hey, can you book me a flight back today?" tanong ko kay Juna.

Chineck ko kung dala ko ba yung passport ko. At shet, nasa bahay pala yung passport ko.

EXODUS: The Sakura PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon