X7: Invitation and a Sign

89 3 0
                                    

X7: Invitation and a Sign

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

X7: Invitation and a Sign

NESSIE*

Ayoko nang lumabas dito sa CR. Kung pwede lang dito na ako tumira nang hindi ako makita ni LV, gagawin ko.

Kaya lang kanina pa kumakalam tong sikmura ko sa gutom. Halos buong maghapon ay hindi ako lumabas dito sa pinagtataguan ko.

Ang rinig ko nga kanina sa usapan ng mga nag-CR ay buong school daw ang naghahanap sa kin.

Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko. Alas singko na ng hapon. Siguro naman hindi na ganun karami yung naghahanap sa kin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng CR at tumingin muna sa paligid kung may mga tao ba. Nang makita kong walang tao ay mabilis ngunit tahimik akong tumakbo papunta sa likod ng school. Pumunta ako sa isang side ng pader kung saan may ginawa akong isang butas nung minsan napagtripan kong magcutting.

Hindi siya ganun kalaki, mga 1 1/2 ft lang ang taas at 1 ft an lapad kaya hindi siya ganun kahalata. Para walang makabisto sa escape route ko ay nilagyan ko pa yun ng isang malaking paso ng bonsai. Sa other side nun ay ang mini-forest ng munisipyo.

Lumusot ako dun at nang nasa kabilang side na ako ay mabilis akong tumakbo papuntang sakayan ng tricycle. Ang weird nga ng tingin sa kin nung mga tricycle driver dun eh.

Buti na lang at nasanay akong palaging binibitbit ang wallet ko kaya kahit naiwan ko yung bag ko ay may pamasahe pa rin ako pauwi.

Pagkauwi ko ay imbis na sa harap ako ng bahay dumaan aysa likod ako dumaan.

Pagkapasok ko sa kusina ay saka ko pinakawalan ang kanina ko pa gustong isigaw.

"WOHOO! I'M FREE! SUCK THAT BITCH!" sigaw ko habang tinataas-taas ko pa ang dalawang middle fingers ko.

Naramdaman kong may nakatingin sa kin kaya napalingon ako sa may sala. Napaayos ako ng tayo nang makita ko ang mga nakanganga kong mga Kuya at si Juna.

Si Juna...

"Waaa~ Juna-chan! How long have you been here?!" masaya kong sigaw saka ko siya hinila patayo at niyakap.

Isang miyembro ng Sakurai-gumi si Juna at siyang assistant at kanang-kamay ni Papa. Sekretong binabantayan kami ni Juna hanggang sa nahuli ko siyang sumusunud-sunod sa min five years ago. And now, close friend na namin siya.

And I'm proud to have a very talented, kind pretty and strong friend. Para ko na rin siyang Big Sis.

"I arrived a couple of hours ago, Nessie-sama." sagot niya.

Ito lang ang hindi ko maintindihan sa kanya. Mas matanda sa kin si Juna. Halos ka-edad lang siya ni Kuya Neon, pero ginagalang niya ako higit pa sa tatlo kong Kuya. Ewan ko lang kung bakit. Favorite niya siguro ako.

"And what brought you here Juna-chan?" nagtatakang tanong ko.

Pumupunta lang naman si Juna sa min tuwing may nagbi-birthday sa ming magkakapatid o di naman kaya nagdideliver ng balita sa grupo.

EXODUS: The Sakura PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon