X17: You Picked the Wrong Girl
NESSIE*
Hindi ako nakapagsalita o makareact man lang sa sinabi ni Hernandez.
"206 your order is ready."
Tatayo na sana ako para kunin yung order namin pero pinigilan ako ni LV.
"Ako na." aniya.
I never thought na wala nang tatay si LV. Ang kilala ko lang naman ay yung ate niya.
"At least nakilala mo tung Papa mo. Unlike me." aniko pagkalapag niya sa tray ng inorder namin.
Naupo siya at tahimik na inalis sa may tray at papunta sa mesa namin yung pagkain at drinks. Inilagay ko naman sa tabi namin yung tray.
"But that still doesn't mean na hindi ako guilty." aniya at nagsimula nang kumain.
"Alam mo, iba na lang kaya ang pag-usapan natin imbis na yung mga trauma natin." suggestion ko saka ay nagsimula na ring kumain.
"Ano naman yung iba nating pag-uusapan?" tanong niya.
"Hindi ka ba curious kung bakit nasaksak si Kuya?" aniko saka ay pinulot yung kalamansi at piniga sa may toyo.
" Oo nga pala! Ano ba yung nangyari sa inyo sa Japan?" tanong ni LV na ikinailing ko.
Sumubo muna ako ng kanin at ulam saka nginuya at nilunok iyon bago ako sumagot.
"Well, nagpunta kami sa birthday party ni Papa, ininsulto kami ng mga tao dun, napikon ako at nagsimula ng gulo... kaya nasaksak si Kuya." sagot ko.
"And the yakuzas let you go that easily?" kunot-noong tanong ni LV.
Napatitig ako sandali sa kanya.
Should I tell him?
"I have a secret." mahina kong sabi saka ay pinulot ang coke ko at uminom.
"It's okay. Hindi kita pipilitin---" I raised my hand to make him stop talking.
Inilapag ko sa mesa yung baso then leaned towards LV. I motioned him to come closer which he reluctantly did.
"Alam mo ba yung tungkol sa Sakura Princess?" mahinang tanong ko sa kanya.
"The Legendary Sakura Princess? Of course alam ko." sagot niya na ikinatango ko.
"That's the reason kung bakit nakaalis kami ng Japan ng buo." wika ko.
Nanlaki ang mga mata niya na parang hindi siya makapaniwala.
"You know the Sakura Princess?" manghang-mangha na tanong niya.
Ba't ang engot engot ng lalaking to ngayong araw na to?
"Ako yung Sakura Princess, gagi." pinanlakihan ko siya ng mata.
BINABASA MO ANG
EXODUS: The Sakura Princess
ActionExodus, ang pinakamagaling at kinatatakutang pangalan sa mundo ng mga gangsters sa Pilipinas. She may be a small woman, but she fights like a pro. Lingid sa kaalaman ng nakararami, likas na nananalaytay sa dugo niya ang pagiging parte ng mundo ng gu...