X19: Ninth Leader, Fifth Sakura

64 2 0
                                    

X19: Ninth Leader, Fifth Sakura

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

X19: Ninth Leader, Fifth Sakura

NESSIE*

Kanina pa ako aligaga dito sa kinauupuan ko at maya't maya rin ang pagbubuntong-hininga ko.

Nakapagbihis at nakapag-ayos na ako para sa seremonya at hinihintay ko na lang na matapos yung naunang seremonya nung matanda.

Napabuntong-hininga na naman ako.

How I wish andito si Ar para pakalmahin ako.

Sa sobrang pagiging lutang ko ay nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto.

"Everything's ready, Nessie-sama." rinig kong sabi ni Juna sa labas.

Kaagad akong napatayo at binuksan yung pinto. Pagkabukas ko ay napansin kong napahagod ng tingin sa kin si Juna mula ulo hanggang paa.

"You look beautiful." puri niya sa kin na ikinangiti ko.

Dapat lang. Kaimbyerna kaya yung nag-ayos sa kin.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa ancestral hall kung saan gaganapin ang seremonya.

"Juna." mahina kong tawag sa kanya.

"Yes?" tanong niya

"I decided to dismiss you as my attendant after the ceremony." sagot ko na ikinahinto niya.

Napahinto rin ako at napatingin sa kanya.

Mukhang malungkot siya sa sinabi ko.

"If that's what you want, I will do the yubitsume." seryosong sabi niya na ipinanlaki ng mata ko.

Ay gaga! Ang OA mo girl!

"I'm not saying that you need to cut your finger! susmaryosep! I am assigning you as my family's protector back at the Philippines." umiiling na sabi ko sa kanya.

Nawala ang lungkot sa mukha niya na pinalitan naman ng pagtataka.

"But you'll need me more here." aniya.

Kahit kelan talaga, napaka-loyal nitong si Juna.

I held her hands and looked her straight in the eyes.

"I'll be fine by myself here. But I can't do whatever I want to do knowing my family could be in danger." mahinahon kong sabi sa kanya.

"What is it that you're going to do that seems dangerous?" bulong niya.

Napangiti ako.

"It's better if you won't know anything about it." sabi ko sa kanya saka ay binitawan ang kamay niya.

"Let's go?" tanong ko.

Nagsimula na ulit kaming maglakad.

"Whatever it is, I am praying for your safety." aniya na ikinangiti ko.

EXODUS: The Sakura PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon