X16: D-Day
LV*
Pagkapasok ko sa bahay ay nakasalubong ko kaagad si Ate na galing sa kusina at may dala-dalang baso.
"Uy, ang saya natin ngayon ah." aniya na ikinangiti ko.
"I'm going on a date with Nessie tomorrow." masaya kong balita sa kanya.
Napansin kong nagbago ang expression sa mukha niya.
"Bro, Nessie is a good child. Please lang, wag mo na siyang guluhin." aniya.
Umiling ako.
"No, Ate. This is real. Iba yung vibes ko eh. Alam mo yung feeling na nakita mo na yung para sa yo? Yung the one?" masaya kong kwento ko sa kanya.
Nagtaka ako nang biglang inilagay ni Ate yung kamay niya sa noo ko.
"Nilalagnat ka bang bata ka?" tanong niya.
Agad na tinabig ko ang kamay niya.
"Ate naman! Seryoso ako!" wika ko.
Uminom siya sandali sa baso niya bago siya nagsalita.
"Sana lang totoo yan ha. Dahil kapag nalaman kong isa na naman to sa mga pakulo mo, pipektusan talaga kita." babala niya.
Ang bitter ng kapatid ko.
"Maghanap ka na kasi ng jowa nang hindi ka ma-inggit sa lovelife ko." sabi ko sa kanya saka ay kumaripas ng takbo paakyat sa kwarto ko.
"Anong sinabi mong bata ka?!" rinig kong sigaw niya mula sa baba.
Pagkatapos naming maghapunan ni Ate na same as usual wala si Mommy at nasa trabaho pa rin, umakyat na ako sa taas para magpahinga.
Halos hindi ako makatulog kakaisip kung anong pupwedeng mangyari bukas.
Nang mag alas-dose ng gabi na hindi pa rin ako dinadalawa ng antok ay nagpasya akong magsulat. Baka sakali makatulong.
Nagising na lang ako nang tumunog yung alarm ko sa cellphone.
I quickly got up and took a shower. Pagkatapos ay naghanap sa closet ko ng button down at pants.
I blow dried and styled my hair then sprayed some perfume.
"San ang JS prom?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Ate. Nakasandal siya sa may pintuan ko habang umiinom ng tsaa.
"Ate naman, ang KJ mo." reklamo ko saka ay sinuot ang relos ko.
I looked myself at the mirror and smiled when I saw how presentable I looked.
"Tsk. Nasa baba yung barkada mo." aniya saka ay umalis.
Pagkababa ko ay agad kong napansin yung mga lukot na mukha ng mga kaibigan ko na nakaupo sa may sala.
BINABASA MO ANG
EXODUS: The Sakura Princess
ActionExodus, ang pinakamagaling at kinatatakutang pangalan sa mundo ng mga gangsters sa Pilipinas. She may be a small woman, but she fights like a pro. Lingid sa kaalaman ng nakararami, likas na nananalaytay sa dugo niya ang pagiging parte ng mundo ng gu...