X10: Watashi no magode wa arimasen

72 3 0
                                    

X10: Watashi no magode wa arimasen (Not My Grandchildren)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

X10: Watashi no magode wa arimasen (Not My Grandchildren)

NESSIE*

Buti na lang at hindi na nagpumilit sina LV na sumama pa sa min sa pamimili ng damit.

Dyusme, nakakahiya!!!

Kung anu-anong pinasuot sa kin nung tatlo.

Hindi uso sa kanila ang choose one and stick to that.

"Wow, Nessie! Bagay sa yo ang dress na yan!" compliment ni Kuya Nero sa suot ko.

Tse! Maniwala!

"Naku Kuya! Wag ako! Gasgas na yang linyahan mo Kuya! Di yan gagana sa kin di katulad sa mga chiks mo." buwelta ko sa kanya.

At ang napakagwapo't napakahangin kong Kuya ay ngumuso lang.

"Miss, we'll get this." sabi ni Kuya Neon at inilabas yung credit card na ibinigay sa min ni Juna bago kami lumipad papunta dito.

Napatingin ulit ako sa salamin at napangiwi.

"Sure kayong ito ang isusuot ko? Ang sikip kasi. Saka di ako sanay." reklamo ko.

"Sa una lang yan, bunso. Masasanay ka rin." sabi naman ni Kuya Nevo na tumitingin-tingin sa iba pang mga damit na nakadisplay.

"Tsch. Nasasabi mo lang yan kasi hindi naman ikaw ang nagtitiis ganda dito." nakasimangot kong sabi.

Pagkabayad ay dumiretso naman kami sa isang salon.

Nakakairitang magpaganda, jusme!

---

A/N: BOLD statements are supposedly 'spoken' in Japanese.

Pagkatapos ng kalbaryo ko sa pag-aayos kasama ng mga kapatid kong parang ngayon lang ako nakitang mag-dress ay dumiretso na kami sa bahay na pagdarausan ng birthday party ng tatay namin.

Ang kaso, hinarang kami pagkarating namin sa gate ng bahay. 

MALAY NAMING NO INVITATION, NO ENTRY pala!

Hello? Mga anak kami, bakit kailangan pa ng invitation?! Duh?!

"I'm sorry but we cannot let you in." sabi nung isang bantay.

"Ay, punyemas. Asan na ba si Juna?" naiiritang tanong ko saka ay nagpalinga-linga sa paligid.

"Nessie-sama!"

Napalingon naman ako sa loob. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang papalapit sa ming si Juna na naka-dress.

"Tol, yung langaw papasok na sa bibig mo." rinig kong sabi ni Kuya Nero.

Binatukan naman siya ni Kuya Neon.

Hindi ko na narinig yung pinag-uusapan nina Juna at nung guard kasi nagkwelyuhan na yung dalawa kong Kuya.

EXODUS: The Sakura PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon