X4: The Voice within the Monster

138 5 0
                                    

X4: The Voice within the Monster

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

X4: The Voice within the Monster

NESSIE*

Pagkatapos nung laban, napagdesisyunan naming umuwi na.

Papalabas na kami ng Gang Hall nang salubungin kami ni LV.

"E-Ex..." nauutal niyang sabi.

Napatingin ako sa kanya.

"O?!" maangas na tanong ko.

Magsasalita na sana siya nang tawagin siya ni Ice.

"Tsk. Ano ka ngayon?!" bulong ko saka pumunta na sa kung saan ko ipinark yung pinakaiingat-ingatan kong violet na motor na regalo pa sa kin ni Kuya Neon nung 20th birthday ko.

Makauwi na nga lang. Sobra akong naistress sa 'couple' na yon. Tsk.

- - -

Kinabukasan, na-late ako ng dating sa school. Napasarap kasi ako ng tulog kaya hindi ko namalayang tumunog na yung limang alarm na si-net ko.

Pagdating ko sa school ay tinawagan ko si Ar.

'Beeeeeess, asan ka na?!' sigaw niya.

Bigla kong inilayo ang cellphone ko sa tenga ko.

Aray ko naman! Makasigaw naman to kala mo may sunog.

"Nasa gate na ako. Saang room nga ulit tayo ngayon?" tanong ko.

'Gaga! Sa auditorium ka tumuloy. Hindi ka ba nakinig nung announcement ni Maam nung isang araw?'

Maka-'gaga' naman to wagas. At malamang sa malamang, hindi ako nakinig. Busy akong mag-isip kung pano ako yayaman.

"Oo na lang. Papunta na ko."

'Sige bess, excited na akong marinig kang kumanta. Byeiii!'

Magtatanong pa sana ako tungkol dun sa 'kanta' na part kaya lang ibinaba na niya agad yung phone.

Kainis!

Tumakbo na lang ulit ako papunta sa auditorium.

Malapit na ako dun nang makasalubong ko si Hernandez. Ang aga aga nababadtrip na agad ako.

"Uy, mukhang haggard ang lolo niyo ah!" pang-aasar ko.

Haha, epic talaga yung hitsura kagabi nung malaman niyang pekeng Exodus pala yung jowa niya.

Buti na lang talaga at natuldukan na yun nang mawala na rin yung lintik na cosplayer ko.

"Sige lang Monster. Pagkatapos ng gagawin ko sa yo, tingnan lang natin kung makangiti ka pa." aniya saka ay umalis na kasama nung dalawang alipores niya.

Pansin ko lang, hindi nila kasama si CL simula pa kagabi.

Ay, bahala sila sa buhay nila.

- - -

EXODUS: The Sakura PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon