X18: Farewell
NESSIE*
Habang nag-iimpake ako ng gamit ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
Pagkabukas ko ay tumambad sa kin ang mukha ni Papa.
"Nessie? Can I come in?" tanong niya.
Nilakihan ko ang awang ng pinto para makapasok si Papa sa loob.
"Bakit Pa?" tanong ko sa kanya.
Mukhang napansin ni Papa ang mga damit at ang maleta na nasa ibabaw ng higaan ko.
"Where are you going?" nagtatakang tanong niya.
Napabuntong-hininga ako saka ay naupo sa kama ko.
"Will you be mad at me if I told you the truth?" mahina kong tanong.
Naupo si Papa sa tabi ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Nessie, what happened today wasn't your fault." aniya.
Napatingin ako kay Papa. Bakas sa mukha niya ang lungkot at pag-aalala.
"Nadamay si Hernandez sa gulo ko. Hindi ba kasalanan ko yun?" tanong ko sa kanya.
Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko.
"Nessie, stop blaming yourself with other people's bad decisions." aniya. "Yes, you were the main target and your friend got caught up. But that doesn't mean that it was entirely your fault."
Napayuko ako.
"I'm thinking of succeeding the group." wika ko.
A moment of silence passed then I felt that Papa's hugging me.
"You know you don't have to do that." aniya.
"Alam ko." mahina kong pagsang-ayon. "But it's the only way I can do to stop the old man and be able to protect everyone."
"By sacrificing your life and freedom?" tanong ni Papa na inilingan ko.
"I'm not sacrificing anything, Pa." aniko saka ay humiwalay sa pagkakayakap niya.
I looked straight into his eyes and I could still see he's worried.
"I'm just taking back everything I lost, I'm protecting the people I care, and I am trying to save my future from complete damnation." dagdag ko pa.
"Are you sure about this?" kunot-noong tanong ni Papa.
Nginitian ko siya at saka tumango.
"I am sure." I stated.
Nakita kong nag-aalangan pa siya pero kalaunan ay tumango din siya.
"I'll talk with your brothers about this." aniya.
BINABASA MO ANG
EXODUS: The Sakura Princess
ActieExodus, ang pinakamagaling at kinatatakutang pangalan sa mundo ng mga gangsters sa Pilipinas. She may be a small woman, but she fights like a pro. Lingid sa kaalaman ng nakararami, likas na nananalaytay sa dugo niya ang pagiging parte ng mundo ng gu...