X15: Like as in Gusto

74 2 0
                                    

X15: Like as in Gusto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

X15: Like as in Gusto

NESSIE*

Pagkapasok ko pa lang ng school ay napansin ko nang pasipat-sipat sa kin yung walangyang si LV.

Pagkatapos ng last sub namin sa umaga ay napagdesisyunan namin ni Ar na sa labas ng school na kami mag-lunch. May nagbibenta kasi ng masarap na palabok dun sa tapat ng school namin.

Pagkatapos naming mag-lunch ay bumili muna kami ng mani at palamig abgo bumalik sa classroom namin.

Papasok na sana kami ni Ar sa classroom nang lumapit sa kin si LV.

"Nessie..." tawag niya sa kin.

Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso lang ako sa pagpasok.

Pagkaupo ko sa upuan ko ay kaagad na inilapit ni Ar ang upuan niya sa kin.

"Anong meron? Ba't parang may something fishy sa inyo ni LV?" mahina niyang tanong.

Napaismid ako nang maalala ko yung nangyari kahapon.

"Pumunta siya kahapon sa bahay. Alam na niya ang connection namin kay Heijira." sagot ko sa kanya.

"O, tapos?"

I scoffed.

"Ang lakas makapang-asar ng putangina." sagot ko sa kanya saka ay inilabas ang libro ko sa Trigo.

Pumasok na rin sina LV at Ice sa room.

"Okay? Can you elaborate further?" pangungulit ni Ar.

"Ano pa bang kailangan kong i-elaborate? Nakakaasar siya, period." inis na wika ko.

Napataas ng mga kamay niya si Ar.

"Okay, okay."

Pumasok sa loob ng room sina CL at Ren. Kinawayan ako ni CL na sinagot ko ng isang ngiti.

Napansin kong magkahawak kamay sila ni Ren nang mapadaan sa upuan ko.

"Anong meron kina CL at Ren?" bulong ko kay Ar.

"Baka sila na?" hindi siguradong sagot ni Ar.

"Ha? Kelan pa?" tanong ko.

"Ngayong araw lang ata. Mukhang nag-confess na kahapon si Ren." sagot sa kin ni Ar saka ay bumalik ulit sa pagsusulat.

"Sana all." bulong ko.

Nang matapos na ang klase namin sa hapon ay kaagad na inayos ko ang mga gamit ko.

Naalala kong may libro pala akong hindi pa naisasauli kaya tinapik ko sa balikat si Ar.

"Una ka na. Pupunta pa akong library." paalam ko sa kanya.

Pagkalabas ko ng room ay may humila sa kin sa gilid.

When I looked back, it was LV.

"Nessie, can I talk to you for a second?" tanong niya.

EXODUS: The Sakura PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon