Think of this as your karma"Hoy pandak ba't nakabusangot ka dyan!" biglang sabi ng kaibigan kong si Lin.Masama ko siyang tiningnan bago sinipa napa aray naman siya.Hindi ako pandak enanito! Subrang taas nya lang talaga! Half-Chinese ang mukong at ang taas! Ano kaya secreto nito!
"Para ka namang walis tingting!" binilatan ko nga."Mukha kang noodles!" dagdag ko pa.Sya naman nanguna.Alam nya namang hindi ako papatalo.
"Oy masakit na nga sipa mo,sinasaktan mo pa feelings ko!" pag iinarte nya.
"Ayan kasi,wag mong asarin kung di mo kaya." saway ni Jed.
"Yung mukha kasi parang tanga!"
"Tanga naman talaga yan dati pa!"
"Tang*na nyo sinong tanga! Ikaw marupok, ikaw puro ka noodles!" bato ko kay Jed at Lin ng tissue. Tumawa silang dalawa at naghanap nalang ng pagkain.Kita nyo.Parang bahay lang nila.Inasar pa yung mayari!
Tumabi naman sakin si Cross."Are you thinking of him again?"
Pagtutukoy nito kay Lucas.Tiningnan ko lang siya ng nakakunot.
"No." agad kong sagot with ilang at kadiri.
"Matagal na akong move on sa lalaking yon."
Bigla naman siyang napangiti he tried to hide it pero nakita ko na.Nakita ko naman ang pagform ng dimples nya dahil don.Nakakatawa ba yung sinabi ko? Baliw din nito.
We're childhood friends, kaming apat.Kasama ko silang lumaki, pati yung dalawang unggok.Isa lang ang subdivision na tinitirhan namin,magkatabi lang din ang bahay.Halos sila palagi kong kasama nong elementary ako,naghiwalay lang kami nong nag highschool at college ako kasi iba-iba kami ng pinasukang school, yung dalawang yon,si Lin at Jed ang hindi mapaghiwalay.Parang kambal sa iibang nanay nga lang lumabas.Haha.
Still we find time to bond with each other,we didn't let distance ruined our friendship.Palagi kaming tumatambay sa bahay ko, hindi na nga yata ako mahiwalay sa mga lokong to!
"Then what's occupying your mind?" Cross asked,tumingin ako sa mata nya.
Seiras pair of eyes flash into my mind.Hindi pa rin ako nakakaget over sa ganda ng mata nong babaeng yon.Iba kasi kulay ng mata nya.Its hard to describe with words alone, iba yung effect nya sakin pag tinitingnan nya ako gamit ng ash grey nyang titig.Hindi ko alam san nya namana yan pero nagpapasalamat ako dahil ang ganda ng mata nya.Iba kasi kulay ng mata ng lolo nya, chocolate brown ito.Yung sa kanya ay kagaya nong sa mga fantasy movie, yung mga mata ng may kapangyahirahang nilalang. Parang ganon sakin.Serously,gusto ko ulit titigan yung mga mata nya hangang sa magdamag.
"And your spacing out again." Cross flick a finger in front if my face which made me blink.
Ano yung iniisip ko kanina gosh! Inisip ko talaga yon!!
"Who are you thinking this time.Is it me?" natawa bigla ako.Minsan lang kasi ito magbiro. His a serious type, seldom ko lang din siyang narinig gumawa ng jokes.
"You sure know how to make me laugh." I said calming my laughter.He just stared at me.
"Na scam ako Cross." pagdra-drama ko.Nilingon ko siya na parang nagsusumbong."Sinunod ko yung sinabi sa tiktok na effective ways on how to make a girl like you hindi naman effective sa babaeng yon e! Babalikan ko at magre-reklamo talaga ako sa creator na yon!"
Kita ko kung paano kumonot ang maputi nyang noo at litong nakatingin sakin.
Ganito kasi yon.Pagkatapos kong hamunin si Lucas,palagi na siyang nagpapadala ng flowers sa office ni Seira.Ayon tuloy nalaman ng whole campus na nililigawan niya si Seira.Kilig naman sila! Ako? Badtrip na badtrip! Nag-back fire ata.
BINABASA MO ANG
Dare to kiss a Valentine [Complete]
Fanfiction"I finally have you, and I'm never letting go. I'll stay by your side and face the challenges fool enough to face us. You may not remember our first encounter, the day I laid my eyes on you was the day my heart beat for someone I barely even know. B...