Chapter Six

2.5K 131 7
                                    


Ryuunoske:Pansin ko walang pov, balak ko sana kay Elia lang to lahat e.Change my mind kaya lagyan ko nalang, enjoy reading!

****

Something she fears of

****

Elia Shane's Pov

Pagkatapos sabihin sakin ni Seira yun, sinundan ko siya agad nong maka-recover ako.Hinabol ko siya sa office nya pero naka-lock ang pinto nito ng pihitin ko.Tawag ako ng tawag sa pangalan nya hindi nya talaga ako pinagbuksan o sinagot or kahit sinigawan na umalis!

Tss.Bahala na nga siya jan!

Dumiritso nalang kami sa cafeteria total lunch time na naman, may class ako ngayong hapon 7 ang out ko, so hindi na ako makakauwi.

Sumama samin sina Lin,Jed and Cross kahit pinagtatabuyan ko na silang umuwi dahil agaw pasin sila. Hindi nakinig, gusto pa nga nilang maglibot dahil first time nilang pumasok sa school ko,itour ko daw sila, yuko nga.Daming magvo-volunteer dyan na babae,pumili sila, ayaw naman nila kaya bumubontot ngayon sakin.

Kaya lahat ng attention dito sa cafeteria nasa table namin, mostly girls.Hindi naman celebrity ang kasama namin.Gwapo sila pero mas maganda ako.

Currently, nakaha-lumbaba ako sa table namin, lumilipad sa ulap ang isip.

Habang yung tatlong lalaki ay inutusan kong kunan kaming girls ng pagkain.Sinunod naman nila kasi baby girl nila ako yuck! Yaan na, para may mauutosan ako palagi.Lahat ng beck and call ko, para naman silang aso.Si Cross lang ang hindi mauto minsan.Pero pag nagpapa-cute ako bibigay naman.Cute ko kasi.

Hindi ko naman mapigilang maisip yung nagyari kanina.Napahiya ako don pero wala akong pakealam.

Kanina pa ako nagugulohan.Mostly sa sarili ko.

Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko pagdating kay Seira.Siya lang ang may kayang guluhin ang puso't,isipan, damdamin at pagkatao ko.

Kanina pa paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga salitang binitawan nya. Memorize ko pa nga lahat.

Wala siya ni isang kinikilalang friend. Ano nya si Lucas? Manliligaw! Malamang hindi friend baliw.

Pangbabara ko sa sarili.

Hindi nya ako matangap na friend.Naiinis din siya pagkinukolit, nilalandi,at nililigawan ko siya.Ano ba talaga pwedi ako para sa buhay nya?

E explain nya kasi, summarize kong pwedi hindi yung tatalikoran ako. Ipaintindi nya kasi hindi ko gets talaga. Puro sya patago.

Malalim na bugtong hininga ang pinakawalan ko at sinubsob ang mukha sa table.

"Ikain mo nalang yan Elia." rinig ko ang pagtawa ni Jed matapos sabihin yun.May narinig din akong nilapag niya sa table kaya umayos na ako.

Kita ko ang pagkain na in-order ko sa kanya.Paburito kong spaghetti at hita ng fried chicken, hita lang hindi ako kumakain ng ibang parti.Wag na magtanong, yun gusto ko iba iba tayo.May soda can naman sa gilid.

Kinuha ko yung fork at tinusok-tusok.Nawalan ako ng gana, kanina gusto ko kumain.Ngayong nasa harapan kona, gusto ko nalang lumanghap ng hangin.Haist.Hindi ko na talaga maintindihan sarili ko, dini-dibdib yung sinabi ni Seira hindi naman ako dati ganito. Kahit favorite food ko hindi ako ma-cheer.

Pa-check ko na kaya sarili ko.Feeling ko may sakit ako.

"Don't be so down.I feel that you have a chance, she won't have come out if she didn't have the slightest interest in you.Try harder lang sa panliligaw Lia." ginulo ni Cross ang buhok ko."Eat.May class ka pa remember?"

Dare to kiss a Valentine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon