Chapter Thirty Three

2.6K 99 15
                                    

****

Ring and Faith

****



Elia Shane's Pov


"Shane!!!!!!!"


Rinig ko ang galit na sigaw ni Seira mula sa kitchen.

She's awake.

I can't help but let out a chuckle.

Alam ko kung bakit bigla siyang sumigaw. Masayang ngiting kinuha ko ang pagkaing hinanda ko para sa kanya at umakyat ako sa kwarto.

I made a simple breakfast lang. Egg with tomatoes, rice na may kasamang isang baso ng juice. I know I worn her out last night and I'm not sorry.

Pinihit ko ang door handle at dahil may dala ako, tinulak ko ito gamit ng aking katawan upang lumuwag ang bukas.

"Good morn--" buti naiwas ko yung dala ko. Mabilis na nakatalikod ako agad kaya sa likod ko tumama yung unan.

"Why am I tied up Chavez!!"

Humarap ako sa galit na si Seira.

"Morning. I made you breakfast." nilagay ko sa side table ang pagkain.

"Take. This. Off." diin ang bawat bigkas nya non. Nakakatakot pero cute. XD

Lumapit ako at tumabi sa kanya. "Akala ko kasi kinabukasan tatakasan mo ako." paliwanag ko. Naniniguro lang.

"Damn you! My whole body is sore and I don't think I can walk. You think I have the energy to run away from you?"

I laughed so hard dahil kahit namumula siya nakaya nyang sabihin yun.

"I'm sorry." I kissed her cheeks after recovering from laughing at tinanggal ang posas ko sa kanya.

The very second her hand was released bigla nya akong pinaghahampas, pinagsusuntok ang balikat ko. Masarap na hampas. With love. Joke.

Hampas na makatanggal balikat.

But I'm laughing. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya upang pigilan. Masakit na. Ang harot naman nito sa umaga.

"Pag hindi ka pa tumigil, hindi kana talaga makakalakad." banta ko. She stop dahil sa sinabi ko and give me a deadly stare instead. Yung tingin na sinasakal ka na.

"Shameful." she muttered before rolling her eyes at me. oh? Ako pa talaga? sino kaya nagsabi kagabi na play with my body. With, claim me all night Shane pa. Sumusunod lang ako. Masunuring bata eh. Tas tatawagin akong shameful?

Pasalamat ka ang cute mo. Napa iling nalang ako. Wag na sabihin baka masampal ako.

"Gusto mo ba maligo muna bago kumain?" tanong ko.

She shook her head in an adorable way. "I'll eat first. I'm starving."

"Ako din Seira gutom." I wiggled my eyebrows playfully.

Tinulak nya ako with force yun kaya nahulog ako sa kama. "Seriously Shane?"

Tumawa nalang ako sa sakit. Nauna yung pwet ko, buti hindi mukha. Pero akala ko wala ng kasunod. Meron pala, hinampas nya sakin sunod sunod ang dalawang unan. Straight sa mukha ko.

Ang sarap nya mag mahal.

Kinuha nya ang plate at nagsimula ng kumain. Nakaupo ako sa wooden floor habang pinagmamasdan siyang kumain.

Ang ganda nya talaga kahit white oversized t-shirt lang ang suot nya. Yun lang beneath that wala na.

Midyo magulo ang buhok niya but it just complement her beauty more. Nakakaakit tuloy. Lalo na tuwing sumusubo siya. Puta namang galawan yan. Nakaka turn on.

Dare to kiss a Valentine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon