*****
Fiance?
*****
Elia Shane's Pov
"Whoaaaaa yeahhhh!!!!" malakas na sigaw namin habang tulak tulak ni Lin ang cart kung saan ako nakasakay ngayon. Ang ingay namin para kaming mga bata. Hindi pa kami sinasaway kaya go lang haha.
"Punta ka don dali!!" turo ko sa part ng toy section, sumakay din siya sa cart sabay kick nya para makapwersa at gumalaw ang sinasakyan namin. Ang bilis! Shit!
"Hoy puta Lin! Breakkkk!!" sigaw ko kasi babanga na kami.
Pero huli na at nabanga nga kami. Malakas ang pwersa ng pagkabanga!
Maraming naka box na laruan ang nahulog sakin.I duck pero fvck sapol sa ulo ko yung isa. Ansakit! Buti hindi natumba, gumalaw pa naman. Kundi pisa ako rito!
"HAHAHAHAHAHA!" lakas na tawa nya habang tinuturo ako. Tumalon ang gago iniwan ako!
"Walanghiya ka!" sabay pulot ko ng laruan at pinagbabato siya. Tumatawang umiilang naman ang loko.
"Tama na yan. Marami pa tayong bilbilhin, tulongan nyo kami. Pag tayo pinaalis dito lagot kayo sakin!" saway ni Cross kaya tumigil na kami, seryuso si kuya e. Kanina pa yan tahimik at malalim iniisip. Siguro si Ate.
Iniwan naming nagkalat ang mga laruan. Kinuha ko yung water gun. Na attached ako sa kanya,ito yung bumagsak sa ulo ko.
Nagpatulak ako kay Jed, mas matino to kaysa kay Lin. Abnoy yun. Ipapahamak ako!
Inilabas ni Cross ang mahabang listahan na inutos ni mommy na bilhin namin. Actually, nag volunteer si Cross, dinamay lang kami. Nasa kalagitnaan pa naman ako ng paglamon ko sa fried chicken ko nong hinatak ako nito! No manners!
Hindi ako umalis sa cart kahit na ilang besis na akong pinagsabihan ni Cross. Huminga nalang siya ng malalim at wala ng nagawa kasi matigas din ulo ko.
Habang tulak tulak ni Jed, tinuturo ko rin sa kanya ang mga kailangan namin na nakita ko sa listahan ni mommy. At ang walanghiya, ilagay ba naman lahat ng yun sa cart ko!
"Taeni mo! Hindi ako makagalaw uy!" pilit ko siyang inaabot sa hawak kung water gun pero tinatawanan lang ako.
Tawa ng tawa silang dalawa ni Lin at kinunan pa ako ng litrato. Ang saya nila.
Pag ako nakaalis dito, ipukpukpok ko talaga tong hawak ko!
"Elia?" may isang familiar na boses ang tumawag sa pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Dare to kiss a Valentine [Complete]
Fanfiction"I finally have you, and I'm never letting go. I'll stay by your side and face the challenges fool enough to face us. You may not remember our first encounter, the day I laid my eyes on you was the day my heart beat for someone I barely even know. B...