Dedicated sa nag-iisang taong walang sawang nangungulit at naghihintay sa update ko. LUL.
KAB 57
May isang linggo na din simula noong magkita kami ni Vince at isang linggo na din akong hindi napasok sa trabaho. I shut my phone off as I shut the world. I don't want to talk to anybody right now. Hindi ako nalabas ng condo at wala akong ginagawa kundi magbabad sa harap ng TV at kumain.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Channie. I don't want to think of him. Mali na inaway ko sya sa party at mali na umalis ako ng walang paalam sa kanya. Leaving means hurting him and I know I hurt him ... so bad. I don't know kung kinokontak niya ako, nobody went to my apartment to check up on me. Maybe they get the hint na ayaw ko munang makipagusap sa kahit sino.
Tumayo ako mula sa aking kama at nagtungo sa kusina. Sh*t wala na pala akong pagkain. Naligo ako at nag-ayos. Kailangan kong mag grocery. Itinali ko ng mataas ang aking buhok at nagsuot ng sumbrelo. Nagtungo ako sa parking lot at pinaandar ang aking sasakyan. Tahimik ang mundo ko habang nagda-drive. Napatingin ako sa litrato namin ni Channie sa aking dashboard. Parang may kung anong kumirot sa aking dibdib.
"I'm sorry..." mahina kong sabi.
Ipinarada ko ang aking sasakyan sa open parking space malapit sa pinto ng Super Market at inalis ang aking sumbrelo bago pumasok sa grocery.
Dumampot lang ako ng dumampot ng kahit ano at tamad na inilagay iyon sa aking cart. Nang masigurado ko na sapat na para sa panibagong linggo ang aking pinamili ay nagtungo na ako sa counter. Tulalang nakapila.
"Francine?" dahan-dahan akong napalingon sa tumawag sa akin.
"Tita Gelli..." agad akong lumingon sa paligid.
"What are you doing here? Wala kang pasok?"
"Ah... I'm on leave Tita"
"Tita Gelli which one is better?" ani ng isang babae sa likod niya na may hawak na shampoo. Mukha itong modelo at may katangkaran. She's foreigner if I'm not mistaken.
"Sandy..." ani Tita at awkward na tumingin sa babae na ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Who is she Tita?"
"Oh... Grace's friend,"
Napatingin ako kay Tita Gelli. Yeah right... I'm Grace's friend. Hindi naman nya ako pwedeng ipakilala bilang "ex-fiance ng anak niya na tumakbo at sumira sa kasal ng anak nya".
"Hi I'm Sandy" aniya at naglahad ng kamay sa akin
"Francine..." inabot ko ang kanyang kamay at tila nagbago ang aura ng muka niya ng banggitin ko ang aking pangalan.Does she know anything about me?
"Ma'am inyo po ba lahat ito?" tanong ng cashier at tumango ako. Lihim na nagpapasalamat sa cashier na sumakto ang pagtawag niya sa akin.
"Ah.. Tita ... paano po? Magbabayad na ako."
"Oh Sure Iha...Nice seeing you here"
"Yeah. You too Tita"
"Nice meeting you Francine" ani nung babae at saka hinila si Tita Gelli patungo sa kung saan.
Huminga ako ng malalim. Nang matapos ko bayaran ang lahat ng aking pinamili ay nagtungo na ako sa aking kotse at nilagay ang dalawang malaking box sa trunk ng aking kotse.
"Ang dami nyan ah. Nag li-leave in na kayo?" nagulat ako ng marinig ang pamilyar na boses ni Vince sa aking likod.
"Oh... gulat na gulat ka?"
BINABASA MO ANG
This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)
RomansaHindi normal para kay Francine Mimoto ang manira ng kasal ng may kasal ngunit ng malaman niya ang dahilan kung bakit umalis ng bansa ang kapatid niyang si Venice ay agad nagplano ang dalaga on taking revenge sa lalakeng nanakit sa kapatid niya only...