KAB 38

285 17 0
                                    

FRANCE POV

KISS & MAKE UP

Nagising ako sa init ng araw na dumampi sa aking balat. Kinusot ko ang mata ko at inabot ang aking orasan.

10:00am

Ang sakit ng ulo ko. Nagtalukbong ako ng kumot at naalala ang nangyari kagabi. Sh*t lumabas ako kagabi I’m with Magenta and June. Wala akong masyadong matandaan sa pinagagawa ko. Pinilit kong bumangon kahit ayaw pa ng katawan ko at nagstrech ako ng bahagya. Nasaan na nga ba ang cellphone ko? Inikot ko ang buong kwarto at hinanap kung nasaan ang bag ko.

“Manang?” tawag ko habang pababa ng hagdan. Hindi na ako nag ayos dahil balak ko pang bumalik sa higaan ko. Nakarinig ako ng music na nanggaling sa kusina. Agad namang kumunot ang noo ko dahil hindi nagmu-music si Manang.

"Good morning gorgeous" he smiled at saka nilapag ang bacon sa mesa

Agad akong naconcious sa itsura ko kaya napatalikod ako at bahagyang pinunasan ang mukha ko ng aking palad. Kinapa ko ito dahil baka may panis na laway pa ako o di kaya muta. "W-what are you doing here" Oh god! bahagya kong inayos ang buhok ko bago humarap uli sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga balikat ko. "You sit here okay? I'll prepare breakfast"

Nakasimangot ako habang sinusundan ko ng tingin ang bawat ginagawa niya at naiinis ako dahil he's just smiling at me. May nakakatawa ba sa istura ko? Tumayo ako at naglakad ng padabog.

"Saan ka pupunta?" aniya

"Mag c-cr! bakit!?"

"Okay" ngiting ngiti pa din siya

Agad kong chineck ang aking sarili sa banyo. nagtoothbrush at nagbrush ng buhok. Naglagay din ako ng kaunting press powder at lip balm. Pagkababa ko ay nakaupo na siya sa sa harap ng mesa at ngiting ngiti sa akin.

Bakit ba ngiti ng ngiti ang isang to? Nakakainis. Sinimangutan ko siya bago hinila ang upuan katapat ng kanya.

"You know, hindi mo kailangang mag ayos. You look good kahit bagong gising" inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko at isinipit iyon sa aking tenga "I love looking at your bare face" hindi ko alam kung bakit kagabi lang ay halos mag iiyak ako pero ngayon gustong gusto kong kiligin.

Sumimangot ako at nagkunwaring hindi apektado sa sinasabi nya kahit sa loob loob ko ay halos mamatay na ako sa kilig. Kumuha ako ng tinapay at nagsimula ng kumain. Hindi ko pa din siya pinapansin.

"Pansinin mo nga ako France and let me explain"

"What do you need Vince?" naiinis na sabi ko sa kanya

"Arggh! France naman. Is this about Kat?" Hindi ako kumibo sa halip ay tumayo ako at kumuha ng juice sa ref kahit na pinagtimpla ako ng kape ni Vince.

"France magkababata lang kami ni Kat"

Tumaas ang kilay ko "Alam mo Vince it's okay. You don't need to explain anything. Alam ko na magkababata kayo at gusto sya ng lola mo para sayo at maganda sya at crush mo sya nung elementary at highschool, may-ari ng isang clothing line, bagay na bagay sya sayo and you look happy with her so-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng yapusin niya ako.

His body is warm. How I wish we can stay like this forever. It feels good being on his arms.

"Stop okay? No matter what hindi kita ipagpapalit. I don't like Kat, I like you" tinaas niya ang aking baba gamit ang kanyang isang daliri "I love you"

Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa kanyang sinabi. I love him. I love this guy.

"I've waited long enough France." he said while caressing my left cheek using his thumb. Kumunot ako noo ko sa sinabi niya. I can't understand. He said he waited long enough.

"Kung nakikita mong masaya ako sa kanya well look again because I'm more happy with you. I'm genuinely happy with you"

 Nag pout ako at saka siya tinulak "Ewan ko sayo Vince"

"France baby are we good? Naiintindihan mo ba yung mga sinabi ko?"

"How many babies do you have?"

"Huh?"

"You call every girl "baby" Ayokong ginagamit mo sa akin yan" saka ko siya inirapan at umupo muli at kumuha ng tinapay

Umiling siya bago hinila ang katapat kong upuan "Does this mean I'm forgiven?" aniya at nilaro ng daliri ang labi niya

"What forgiven? Sinong nagsabi? I still hate you"

"Baby naman"

"Ayoko nga ng baby"

"Well then corky naman" aniya at tumawa

Sinamaan ko siya ng tingin na lalong nagpalakas ng tawa nya "Froggy!" sabi ko sa kanya "Kokak"

"Froggy? Seryoso? Why? Do I look like a frog?"

"Yes Froggy" at tumawa ako

"Froggy pala ha!" aniya at saka ako hinawakan sa pulso

"Ano ba Vince!" irit ko at saka tumakbo

"Halika dito"

"Ayoko"  sabi ko at saka tumakbo sa sala

"Halika" umirit ako ng malakas ng hawakan niya ang bewang ko at ikulong ako sa kanyang bisig. Nagpumiglas ako at gamit ang ulo ko ay hineadbang ko siya

"Araaaaaaaaaaay"

"Bleeeh" sabi ko na parang bata

"Halika dito France!"

"Nyeh nyeh"

"Pag naabutan kita i-kikiss kita!"

Bigla akong natigilan sa sinabi nya. Naalala ko yung kiss namin noon sa Echanted Kingdom. That was the last kiss that we shared.

"Gotcha!" naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Vince sa akin. Tumatawa tawa pa siya. Hinawakan ko ang kanyang braso at dahan dahang tinanggal ito. Humarap ako sa kanya at tinapakan ang kanyang mga paa. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. I smiled at him as  tiptoed and then reached for his lips. I closed my eyes and kiss him softly in the lips. I don’t know how to kiss but I know I’m doing it right. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. He smiled as he began responding to my kisses. Nanginig ako ng hawakan niya ang likod ko at hapitin ako palapit sa kanya. Gamit ang kabilang kamay ay hinawakan niya ang batok ko. He kissed me passionately this time. Ramdam ko ang pagkatunaw ng lahat ng sakit na naramdaman ko kahapon. Everything feels good, feels right and I can’t even think straight. Tuluyan na akong nawala sa aking sarili sa mababaw at palalim ng palalim niyang halik.

“France?” natigilan kami parehas ng marinig ang boses ni June at kumalas sa isa’t isa. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka pinagdikit ang aming noo.

“Oh God I love you France”

“I love you too” and we both smiled at each other bago naghiwalay.

A/N: Ayan! Naka second kiss din si Vince after 7 na Kabanata. HAHA. Natutuwa ako kasi dumadami na ang reads ng Damsel ^^, Maraming salamat sa pagbabasa nyo kahit tahimik lang kayo . :) Sa totoo lang, kaya ko itinigil (pansamantala) ang DMC ko ay para sa Damsel. Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako kay France at Vince. Pakiramdam ko nga masyado na ako na-aattach sa characters nila. Anyways, maraming maraming salamat po sa paglalaan ng kahit konting oras. 5 reads..KAB 39 approaching :)

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon