KAB 44

234 18 0
                                    

KAB 44

SUPERSTEAK

Kasalukuyan akong nasa bus patungong Manila. Bumyahe akong mag-isa ng hindi pinapaalam kay Vince. Matapos ang aming pagtatalo ay sinabi sa akin ni Rosie na isinama si Vince ng kanyang Lola sa Nayon upang muling umorder ng mga pasong nabasag. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon upang makaalis ng walang pasabi. Humingi ako ng pasensya sa lahat ng mga helper sa Mansion at sinabing ipapahatid ko ang kabayaran sa mga paso.

"Sigurado ka bang aalis ka ng walang pasabi?" Tumango ako at damang dama ko ang simpatya ng bawat taong nandoon. Kahit isang beses lang kaming nagkasama sama ay masaya ako na naging malapit kaming lahat. Alam kong hindi lingid sa kanilang kaalaman ang naging pagtatalo namin ni Vince.

Tinulungan ako ni Mang Carding na makaalis at inihatid ako sa tinatawag nilang "Nayon" kung saan ito ang sentro ng kanilang lugar. Hinintay niya akong makasakay ng bus at panay ang paalam sa akin.

The delicate beginning rush,
The feeling you can know so much,
Without knowing anything at all.
And now that I can put this down,
If I had known what I'd known now,
I never would have played so nonchalant.

Hindi ko mapigilang hindi maiyak habang nakatingin sa labas. Tila pati ang panahon ay nakikiisa pa sa aking nararamdaman. Malakas ang buhos nito isabay mo pa ang pesteng kanta na tila nang-aasar. Bwiset naman oh para akong nagawa ng music video nito.

Taxi cabs and busy streets,
That never bring you back to me,
I can't help but wish you took me with you...

Nagbalik sa alaala ko ang nakita kong paghalik ni Katrina kay Vince at kung paano sila magtinginan kanina. Kung paano ako muling iniwan ni Vince para sa Lola niya at sa babaeng iyon. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Sa pag uwi ko ng Maynila ay sisiguraduhin kong hindi na ako makikita pa ni Vince.

This is falling in love in the cruelest way,
This is falling for you and you are worlds away.

This is when the feeling sinks in,
I don't wanna miss you like this,
Come back... be here, come back... be here.
I guess you're in New York today,
And I don't wanna need you this way,
Come back... be here, come back... be here.

Hindi ko alam kung gaanong katagal na akong tulog, Nagising ako sa malakas na preno ng sasakyan. Agad akong tumayo upang tingnan kung ano ang nangyayari.

"Manong bakit tayo tumigil?" tanong ng isang matanda sa katapat kong upuan.

"Kumalma lamang po kayo pansamantala muna po tayong titigil dahil masyadong malakas ang ulan at madulas ang daan. Para po sa kaligtasan ng lahat ide-delay po muna namin ang byahe. Maari po kayong magpalipas ng gabi sa mga malalapit na hotel rooms dito. Kung maari lamang po ay kukuhain namin ang inyong mga pangalan at numero upang macontact po namin kayong lahat pag maari na muli tayong bumyahe" ani naman ng kundoktor.

Sumunod ako sa ilang pasaherong nagbababaan. Napakalakas ng ulan kaya naman tumakbo ako at pumasok sa pinakaunang inn na nakita ko. Mabuti na lamang at ipinarada ng bus driver ang sasakyan sa lugar kung saan ay mayroong matutulugan.

Kumuha ako ng isang silid lamang. Nang makapasok ako doon ay namangha ako dahil napakagandang tingnan ng buong bayan mula dito sa aking silid. Hindi ko alam kung nasaan na kami basta ang alam ko ay mahalaga at ligtas ako. Hinila ko ang malaking kurtina at binuksan ang lampshade doon. Dim lang, perfect sa nararamdaman ko ngayon.

Nagtungo ako sa banyo at naligo. Mabuti na lamang at mayroon pa akong natitirang damit. Sinaksak ko ang aking cellphone at nakita ang sunod sunod na mensahe mula kay Vince.

"Nasaan ka?"

"Umalis ka na naman ng walang pasabi?"

"Hindi ka pa ba uuwi? Mukang uulan ng malakas. Let's talk"

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon