KAB 31.1

349 19 0
                                    

A/N: Ayan na yung pic ni France and Vince hihi <3 I personally think bagay sila. :)

FRANCE POV

AKYAT LIGAW

DAY 1

Pagkababa ko ng sasakyan ay nagtataka ako kung bakit panay ang tinginan sa akin ng mga tao. Ang iba ay nagbubulungan pa. What’s wrong with these people? Asan ba si June? Dama ko ang tensyon hanggang sa elevator. Hindi man ako tumingin alam ko na pinag uusapan ako ng mga tao.

Pagkadating ko sa floor namin ay halos lahat ng empleyado ay nakatingin sa akin. Nakasalubong ko si Philipp na saglit na tumango sa akin at nag iwas ng tingin. Naglakad ako patungo sa desk ko at napanganga ako sa aking nakita.

Punong puno ng bulaklak ang cubicle ko. May mga lobo na nakahalera at bawat isa’ng lobo ay may nakasulat na letra F.R.A.N.C.I.N.E. BE. MY. G.I.R.L. at sa dulong lobo ay may nakasulat na YES or NO?

Dinial ko ang number ni Vince at sa ilang ring lamang ay sumagot siya

“Hi. You saw it?” puno ng excitement ang tinig niya

“Seriously Vince? Gusto mo bang magtayo ako ng flowershop?” rinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.

“Alam kong sasabihin mo yan”

“Paano ko madadala to pauwi?”

“Susunduin kita?”

“May sasakyan ako”

“I know but…”

“Vince alam kong mayaman ka pero I don’t need all of these” hindi ko alam kung tama bang sinabi ko to

“But I want to surprise you”

“Yea I know. Thanks for these flowers”

“I’ll see you tonight okay?”

“Okay”

Matapos ang usapan namin ay tinulungan ako ni June na ayusin ang mga bulaklak. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. He’s sweet pero hindi ko maiwasang isipin kung hanggang kailan sya magiging sweet sa akin. Dahil katulad ng mga bulaklak na ito, dadating ang araw na kahit gaano sila kabango mawawala at mawawala ang amoy nito. At kahit gaano pa ito kaganda malalanta at malalanta ito.

DAY 5

Palabas na sana kami ni June para maglunch ng may marinig kaming malakas na tunog mula sa baba. Agad na nagpuntahan ang mga katrabaho sa bintana at narinig namin ang boses ng isang lalakeng nakanta.

You’re just too good to be true

Hinatak ako ni June patungo sa bintana at nanlaki ang mata ko ng makita si Vince sa unahan ng building namin na nakanta at nakatingala sa amin. May kasama siyang ilang lalake na natugtog sa kanyang likod. Lahat ng sasakyang nadaan ay pinagtitinginan siya at maging ang ilang nadaan sa kalsada. Ang ilan kong katrabaho sa ibang department ay napapalibutan siya.

Napuno ng tuksuhan ang department namin ng ituro ako ni Vince at panay ang hampas sa akin ni June na parang mamatay na sa matinding kilig. Nakagat ko ang aking labi at hindi ko na napigilang hindi tumawa.

Pinagmasdan ko kung paano siya kumanta, kung paano niya ako tingnan, ginawa din ba niya to kay Ate? Sa ibang babae? Inalis ko sa isip ang bagay na yun at nginitian ko si Vince na nakanta pa din at tinuturo ako mula sa second floor. Napahigpit ang hawak ko sa bintana.

Ilang sandali pa ay may mga naglakad sa kanyang likod na mga bata na sa tingin ko ay nasa four to six years old. May dala ang mga itong kartolina na may iba’t ibang letrang nakasulat.

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon