The Hard way
Late for introduction na ba ako? Ako nga pala si Yuuka Francine Mimoto. Half Japanese Half Filipino. Yung mabait na babaeng iniwan ng boyfriend sa kabanata 1 sister ko yun si Kizhia Venice Mimoto. Ilang taon kaming namuhay na kami lang dalawa our parents is in abroad. May business kasi si Dad na hindi maiwan sa Japan. We choose to use our second names yun kasi ang gusto ni Mom.
Nagtratrabaho ako sa isang sikat na Women’s magazine. I don’t work for money; I work because I love what I’m doing.Yung money? It’s just a bonus. Our parents never fail to support our financial needs.
Kanina pa ako nakatutok sa blankong screen ng computer ko. I can’t even think any article. Ano ba ang dapat ko i-feature?
“Meeting at four in the afternoon babe” ani ng aking kaibigang si June sabay lapag ng kape sa aking table.
“Meeting again? Wala pa akong maisip na dapat ifeature para sa December issue natin” dinampot ko ang kape at marahan itong hinipan
“Babe yan ang hirap sa isang kagaya mong loveless! You should explore sometimes”
“Pwede ba Junefer walang kinalaman ang love life ko dito. The thing is, masyado lang akong nalulungkot dahil mag isa na lang ako ngayon sa bahay”
“Eh kasi naman yang ate mo para nakipagbreak lang kailangan pa umalis?”
“Nasaktan sya babe. Ikaw nga dyan nung nagbreak kayo ni Liam nagpunta ka pa ng Bacolod it’s the same thing” at binato nya ako ng papel.
“Gaga! Nagkataon lang ang pag uwi ko ng Bacolod sa break up namin”
“Ay sus June tigilan mo ako at maibubuhos ko sayo ang kapeng to”
“So moving on… ano ang plan mo kay De Lirio?”
“That jerk! Iniisip ko pa kung paano ko sya gagantihan”
Nang matapos ang meeting namin ay nagkayayaan kami ni June na mag bar. Syempre para naman matanggal ang stress. Umuwi ako sa bahay para magpalit ng damit and viola on the way to THE BAR.
Pumasok na ako sa The Bar at umorder ng cocktail. Habang naghihintay ako ay inilibot ko ang tingin ko. Marami rami rin ang tao sa Bar. Natagpuan ng mga mata ko ang sikat na modelo at anak ng isang business man na si Jessa Andrea Lukes dancing with her co-models. Ilang beses ko na din siyang inalok ng interview but the nerve of that girl ang hirap kumuha ng appointment. Nagba-bar lang naman kapag gabi. I would love to know the story behind her devilish attitude.
Kinuha ko naman ang cellphone ko para alamin kung nasaan na si June.
“Babe where art thou?”
“Dito na sa labas! Wait for me there!”
I flashed a smile when I saw June from the entrance but nawala agad yon ng makita kung sino ang nasa likod nya. Noong una akala ko ay magkasama sila ngunit lumiko ang gago at dire-direcho naman sa akin si June.
“Hey what’s with the face?” inagaw niya ang iniinom ko at sinundan ang tingin ko “OMYGOD! What a coincidence! He’s here!”
“Actually sabay lang kayo dumating, magkasunod. I thought magkasama kayo”
“Duh! Di ko nga kilala yon no!”
Nakailang shot din kami ni June at saka sumayaw. Hindi ko pinansin ang presensya ni Vince. I’m here to enjoy at ayoko masira ang gabi ko. As long as hindi kami nagkakasalubong ay wala akong gagawin.
Nagpunta ako sa CR para magretouch ng may iilang babae ang lumilingon sa akin. Tiningnan ko sila sa salamin at tinaasan ng kilay.
‘What’s the catch girls?” sabi ko
BINABASA MO ANG
This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)
RomanceHindi normal para kay Francine Mimoto ang manira ng kasal ng may kasal ngunit ng malaman niya ang dahilan kung bakit umalis ng bansa ang kapatid niyang si Venice ay agad nagplano ang dalaga on taking revenge sa lalakeng nanakit sa kapatid niya only...