KAB 25

317 15 1
                                    

DAHILAN

Matapos niya akong gulantangin sa sinabi niya ay umalis siya at naiwan ako doon sa ibabaw ng kabayo. Walastek naman tong Vincent na to. Nagsisimula ng maglaho ang kilig na nararamdaman ko kanina ng bigla kong nakita ang pag-alis din ng ilang lalake. Nagkatinginan kami ng nasa aking likod.

Maganda din ang kanyang ayos. Nakatirintas ang kanyang mahabang buhok at may ilang hibla ng buhok na nakalaglag sa kanyang mukha. Napakaganda niya.

‘Siguro may pakulo sila? Nauna daw kasi ang mga lalake dito sa EK” aniya at tumango naman ako. Ilang sandali pa ay may narinig kaming tunog ng piano na tila nangagaling sa gitna. Nagsimulang magsibabaan ang mga babae sa kabayo at sinundan kung saan nangagaling ang tunog.

“Tara?” sabi ng babae sa aking likodan. Bumaba kami at sinundan ang ilan sa aming kasamahan tumambad sa amin ang aming mga kapareha na nakatayo doon sa gitna ng Rio Grande at Flying Fiesta. Napapalibutan sila ng kulay dilaw na ilaw at sa gitna nila ay may isang lalakeng nakatungo at may isa pang lalake na tumutugtog ng piano.

I think you're pretty without any makeup on

I think you're funny when you tell the punchline wrong

I knew you got me when you let your walls come down, down

Parang tumigil ang mundo ko ng marinig ko ang boses niya. It’s Katy’s song. Hindi ko akalain na marunong pala siyang kumanta.Parang hindi ako makahinga sa bilis ng kabog ng aking puso.

Before you met me I was alright

But things were kinda heavy, you brought me to life

Now every February you'll be my valentine

Napatingin ako sa ilan kong kasamahan na sinundo ng kanilang kapareha at nagsimula silang sumayaw habang nakanta si Vince.Papasa na ang eksenang ito sa mga mala fairytale na istorya.

 Nanatili siya sa pagkanta at napako ang aking paningin sa kanya. Minamasdan ko lamang siya habang kumakanta at tila nanginig ang buong sistema ko ng magsimula siyang humakbang palapit sa akin.

Let's just talk all through the night

There's no need to rush

We can dance until we die

You and I will be young forever

Iniabot niya sa akin ang kanyang palad at bahagya siyang yumuko na tila isang prinsipeng nag-aaya na makipagsayaw. Inabot ko naman ang kanyang nakalahad na kamay, hinawakan ang tirante ng aking gown at bahagyang yumuko katulad ng mga ginagawa sa mga fairytale kapag nag-aaya ang pagsayaw ang prinsipe. Napatawa siya sa ginawa ko.

You make me feel like I'm living a teenage dream

The way you turn me on

I can't sleep, let's run away and don't ever look back

Don't ever look back

Inanyayahan niya ako sa gitna habang patuloy na nakanta. Nakatitig lamang siya sa akin habang hinahawi ang ilang buhok na tumakip sa aking mukha. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi.

My heart stops when you look at me

Just one touch now baby I believe this is real

So take a chance and don't ever look back,

Don't ever look back

Nang iabot niya ang mic sa isang staff ay nagsimula ang pagtugtog ng instrumental na piano ng Teenage Dream. Hinapit niya ang aking bewang at saka inilagay ang aking mga kamay sa kanyang batok.

“I didn’t know marunong ka pala kumanta”

“Madami akong kayang gawin”

“Psh Yabang talaga”

“Hindi ako nagyayabang, its true”

“Okay sige”

Patuloy lamang ang aming marahang pag galaw sa saliw ng nakaaakit na tunog ng piano. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin at panay ang ngisi niya samantalang ako naman ay ilang na ilang.

“France, religious ka ba?”

“Why?” nakakunot noong tanong ko

“Kasi you’re the answer to my prayers”

“HA-HA-HA funny. Grabe ang corny ng pick up line. Wala ka na bang maisip na mas cheesy pa dyan?”

“Hmmm Cheesy ba gusto mo? Edi say cheese” tawa siya ng tawa habang ako naman ay panay ang hampas sa kanya. Nagsilingunan ang ilang mga nagsasayaw sa amin kaya naman ay tumahimik kami at nagsayaw muli.

Nang matapos ang pagsasayaw namin ay nagtungo kami sa isang kainan sa loob ng EK. Nakaayos ang mga upuan nito ng paikot at dalawang upuan kada mesa.

“What do you want to eat? Ako na lang ang kukuha and stay there” ani Vince

“Hmm kahit ano. Today is my cheat day kaya kahit ano pwede ko kainin”

“Cheat day? On diet ka? Bakit ba ang hilig ng mga babae mag diet?”

“Well, I’m not on diet. Magkaiba ang nagda-diet sa nakain ng healthy foods. Healthy foods lang ang kinakain ko and since hindi naman ako makakapili dito edi kahit ano na lang”

“Whatever” at saka siya naglakad patungo sa mesa kung saan nandon ang mga pagkain.Pinagmasdan ko ang kanyang likod,  I admit na kahit ang likod niya ay makisig tingnan. Hindi na ako magtataka sa mga babaeng lumingon sa kanya habang padaan siya. He’s a head turner , kahit pa may kasama ang mga babaeng ito ay hindi nila maalis ang tingin kay Vince.

Napansin ko na iilan lang kaming nakaupo sa mesa at ang ibang babae ay hinayaan na lang ng kanikanilang partner na kumuha ng pagkain nila. Mabuti naman at gentleman tong si Vince.

Minsan feeling ko ang sarap mainlove sa kanya. Nakangiti ako habang iniiscroll ang cellphone ko. Wait… did I say “mainlove sa kanya”? nahihibang na ba ako? Bakit ko naisip yon? Omggg hindi ito pwedeng mangyari. Playboy ang lalakeng ito, ex sya ng kapatid ko at bastos! Manyak! Masyadong maraming dahilan para hindi sya magustuhan. Yon ang dapat ko isipin.

“Here” nilapag niya ang plato ko sa mesa na mayroon ceasar salad, fish fillet with cream sauce at isa pang putahe ng ulam. Minasdan ko ang plato niya na may chicken wings, fish fillet, lechon paksiw, isa pang putahe ng ulam at nakahiwalay na dalawang kanin.

“Kaya mong ubusin yan? Gutom na gutom?”

“Oo gutom ako. Saka kung gusto mo ng extra rice o edi ayan”

Habang kumakain kame ay kinukwentuhan niya ako tungkol sa higshool at college life nya at ako naman ay napapakwento na din. Nagtatawanan kaming dalawa na para bang close na close na kami. Napagkwentuhan din namin yung concert at ilang encounters namin noong college days nila ni Ate. Naaliw ako sa mga sinasabi nya na halos nakalimutan ko na mayroong mga dahilan para “hindi” siya magustuhan. Dahil habang kausap ko siya… mas lalo ko atang naiisip na kung maraming pwedeng “hindi” magustuhan sa kanya ay mas marami pala ang bagay na magugustuhan mo sa isang Vincent Michael De Lirio.

 A/N: Naeexcite ako sa KAB 26 iupload ko na din ba? HAHA Comment kayo :) 

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon