DATE
Kanina pa ako nakaharap sa salamin. 5:30am pa lang ay gumising na ako para paghandaan ang “date” namin ni Vince. Excited much lang? Oo. First date namin ito. Ibig sabihin ba nito nanliligaw na sya sa akin? Ay ewan. Basta ang alam ko kailangan ko mag-ayos ng bonggang bongga.
Nagtext siya kaninang umaga na susunduin nya ako ng 9am. Okay inaamin ko na kilig na kilig ako dahil kagabi… anong meron kagabi? Well… *tingin sa taas*
“Ang aga naman ng 9am. Saan ba tayo pupunta? Visayas?”
“No. I just want to spend my whole day with you”
OMGGGG OMGGG I knowwww guys. I knowwww. diba? Nakakakilig. HAHA Kainis naman kasi tong si Vince. Halos hindi na ata ako nakatulog. Basta alam ko kailangan ko gumising ng maaga para magblower. Nakailang papalit palit din ako ng damit.
Nagmake-up ako ng light. Yung mukang fresh lang? Para di obvious na naghanda ako para sa kanya no. Saksakan pa naman ng yabang yon. Isang High-Waisted shorts ang suot ko na tinernuhan ng simpleng statement shirt at sneakers.
Halos mapatalon ako ng marinig ko ang katok sa pinto.
“Iha andito na si Vince”
‘Ah opo manang lalabas na po”
Tiningnan ko ang sarili ko sa huling pagkakataon. Kailan pa ako naconcious sa magiging itsura ko dahil kay Vince? *simula ng magkagusto ka sa kanya* pinalis ko ang sinabing iyon ng bahagi ng utak ko.
Alam mo yung feeling kapag tinawag ang pangalan mo sa stage kapag bibigyan ka ng diploma o di kaya sasabitan ka ng medalya? Ganong ganong ang nararamdaman ko habang pababa ako ng hagdan. Magkahalong kaba at saya. Nang bumaba ako ay napatayo si Vince sa kanyang inuupuan at nilagay ang magkabilang kamay sa kanyang bulsa.
“Shall we?” aniya at saka inilahad ang kanyang braso sa akin.
Umiling ako at saka sinukbit ang aking braso sa kanyang braso. “Manang una na po kami”
‘Mag ingat kayo”
Nagpasya kami na gamitin ang sasakyan niya. Habang nasa byahe kami ay tahimik lamang kaming dalawa at pakiramdam ko naglilipadan sa buong sasakyan ang salitang ~awkward~
“Kumain ka na?” tanong niya
“Hmmm hindi pa. Ikaw ba?”
“Nope. Gusto ko sana sabay tayo magbreakfast kaya maaga kita talaga sinundo”
Tila nagwawala ang mga kulisap sa aking sikmura dahil sa kanyang sinabi. Hindi ako sanay na ganito kaming dalawa.
“Saan mo gusto?”
“Hmm nagsasawa na kasi ako sa mga pasta. Jollibee na lang kaya?”
Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo “Jollibee?”
“Oo” walang pag-iisip kong sagot. Bakit masama ba? Kainan din naman ang jollibee ah
‘Dun ba talaga?”
“Oo nga. Ano ba ang problema mo?”
“Hindi naman romantic place ang jollibee e” natawa ako sa sinabi nya.
“Why does it have to be romantic?” hanggang ngayon ay tawang tawa ako
“Sige lang tawa pa France” aniya habang nakatutok sa daan
“Bakit ba kase? Para kakain lang naman tayo ng umagahan e”
“Because this is our first date. I want it to be memorable and romantic. Hindi ko dinadala ang mga nililigawan ko sa jollibee lang”
BINABASA MO ANG
This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)
RomanceHindi normal para kay Francine Mimoto ang manira ng kasal ng may kasal ngunit ng malaman niya ang dahilan kung bakit umalis ng bansa ang kapatid niyang si Venice ay agad nagplano ang dalaga on taking revenge sa lalakeng nanakit sa kapatid niya only...