KAB 33

304 15 0
                                    

A/N: Sorry po sa mabagal na update. Sobrang busy ko lang po sa work :) Another Flashback~

FRANCE POV

NEVER EVER

“Uyy france! Kinindatan ka nung papalicious sa kabilang table ohh” walang tigil na panunukso ni Magenta habang hinahampas pa ako sa braso. Eto talagang baklang to masyadong malandi. Sa barkadahan namin sya lang ang nag-iisang lalake yun nga, nabakla pa.

Pinaupo nya ako kanina sa tabi niya at ng lumingon ako sa kabilang table ay nakita ko ang isang lalake na kumindat pa sa akin. Sa inis ko ay inirapan ko sya. Alam ko na kasi ang mga style ng mga lalakeng ganyan, lalo na kapag maporma, gwapo, yung mayamanin ang style akala naman nila lahat ng babae ay type na type sila. Pwes ibahin mo ako, ako yung tipong walang oras para sa mga ganong bagay. I have to focus on my studies first and besides hindi naman ako nagmamadali.

Pagkatapos naming kumain ay nakarecive ako ng text mula kay Ate. Pupunta daw sya sa school iniisip ko kung ano ang sadya nya dito. Palabas na kami ng makita namin si Minona na umiiyak sa labas ng Caf. Napapalibutan siya ng mga alipores niya.

“Bakit kaya naiyak yon?” sabi ng isa pa naming kaibigan na si Lea

“Iniwan daw ng boyfriend” sabi naman ni June na kakagaling lang sa kumpol ng mga tao na nakapaligid kay Minona. Mabilis talaga sa balita tong si Junefer.

“ Nako! Ayan mabuti yang ganyan. Napapahiya naman sya minsan. I hate Minona, masyado kasing BNBSS”

“Anong BNBSS?” tanong ko naman

“Edi “bilib na bilib sa sarili” humagalpak kami ng tawa sa sinabi ni Magenta. Minsan kasi ay talagang madaming nalalaman tong baklang to. Habang naglalakad kami ay naaninag ko na si Ate. Kumaway ako sa kanya.

“Babe sino yung kasama ng ate mo?”

Kumunot ang noo ko sa tanong ni June. Sino nga ba yun? Bigla akong kinabahan. Eto na ba yung sinasabi nya na ipapakilala nya sa akin ang boyfriend nya? Hindi ko pa man nakikita at nakikilala si Vincent De Lirio ay marami na akong naririnig sa kanya. Mayabang, playboy at manloloko daw ang isang yon. Hindi ko alam kung paano at bakit naging sila ng ate ko.

“Ate’ Yumapos ako kay Ate

“France” ani ate Venice ‘Si Vince nga pala boyfriend ko” napawi ang ngiti ko ng bumaling ako sa lalakeng nakatayo sa tabi ni Venice. Ito ang lalakeng kumindat sa akin kanina. Ito? Ito si Vincent De Lirio?

“Eto pala ang ungas na boyfriend” ani ko sa mga kasama ko saka ko pinaikot ang aking mga mata. Lumagpas kami sa kanilang dalawa.

“Bye ate see you sa bahay” hindi na uli ako lumingon sa kanila. I cant believe na papatol si Ate sa lalakeng yun. Hindi naman si Ate katulad lang ng ibang babae dyan. I can’t believe na sa dinami dami ng lalake mga ganon pa type nya. Natatandaan ko noon ay may kinukwento sya sa akin na crush daw niya noong nag-aaral pa sya, sabi nya ganon daw ang mga tipo niyang lalake, malayong malayo sa lalakeng katulad ni Vince.

Lumipas ang mga araw ay naiinis ako tuwing makikita ko si Vince sa aming bahay. Kaliwa’t kanan kasi ang balita tungkol sa kanya na may iba’t iba itong nobya. Nalaman ko din na ex pala siya ni Minona. Ang kapal ng mukhang lokohin ang kapatid ko but she doesn’t mind. I don’t know why, pakiramdam ko di naman talaga gusto ni Ate si Vince pero umiiyak sya dahil dito. Bakit ganon?

Mas lalong tumindi ang pagkainis ko kay Vince sa mga nababalitaan ko kaya naman tuwing magtatagpo ang aming landas ay irap at pagsusungit ang ginawa ko kay Vince. Katulad na lang ng….

Scenario No. 1

Papunta ako noon sa ospital kung saan nagtratrabaho si Ate. Papasok na ako ng ospital ng may biglang sumingit sa akin at pilit akong inuunahang pumasok sa rotating glass entrance ng kanilang ospital.

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon