KAB 55

234 12 1
                                    

FRANCE POV

THE RIGHT THING

Hindi ko alam kung gaano na ang iniyak ko at wala na akong pakialam sa paulit ulit na buntong hininga ni June sa aking tabi. Nagpasundo ako sa kanya at nagtext kay Channie na uuna na ako. Hindi ko kayang harapin si Channie na ganito ang lagay ko.

“Bakit kasi kinausap mo pa yon? You had enough of his bullshits. Ikaw na ang humabol, ano pa ba ang gusto nya? Oo, andon na tayo sa nasaktan mo sya but you reached out, you asked for forgiveness and that’s enough. You had enough”

 “Don’t you dare cry in front of me Francine, because I don’t give a sh*t about you anymore. I’m sorry but I wont wipe away that tears of yours. Isa ka lang sa madaming babaeng dumaan sa buhay ko and just like them you’re nothing but a trash.”

Lalong bumuhos ang luha ko sa alaala ng sinabi ni Vince. Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng dibdib ko. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng building. Niyapos niya ako ng mahigpit.

“Sigurado ka ba na gusto mo mapag-isa?” aniya at tumango ako.

“Call me if you need me ha?” at saka niya ako niyapos ng mahigpit. Pinunasan ko ang luha ko saka pumasok sa elevator. Nang makadating ako sa floor ko ay nagulat ako ng masilayan ang mukha niya sa labas ng unit ko.

“What are you doing here?” tanong ko dito

“You’ve been crying? Why?” aniya

“Its non of your business” malamig kong sabi at saka kinuha ang susi ko sa bag

“Nag-away kayo ni channie? O…. alam mo na?”

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkapa sa bag ko. Asan na ba kasi yung susi ko?

“Vince is back” aniya at lumingon ako sa kanya

“You know what? You should leave”

“Pero France…you’ve been crying at ayokong iwan ka a-“

“I SAID LEAVE! Anong pakialam mo kung naiyak ako? You did this to me ate! You did all of  this….Ayaw mo akong iwan?” I smirked “Ayoko ng awa mo at lalong ayoko ng malasakit mo! just leave me alone!” sigaw ko dito at sakto naman na nahanap ko ang susi ko. I opened the door at saka ako pumasok don sasaraduhan ko na sana ito pero pinigil niya.

“Please France”

“LEAVE ATE”

“But Fra-“ bago pa nya maituloy ang sasabihin nya I slammed the door on her face. Natuptop ko ang bibig ko upang huwag gumawa ng ingay tuluyan ko ng kumawalang emosyon. I never want to break our sisters bond. I love my sister more than anything, she knew that. She's my sister and bestfriend in one and we grew up depending on each other. It hurts ...but I am deeply hurt just like her.

-Flashback-

“Ang ganda ganda mo talaga girl” ani Mosh habang nakatingin sa akin mula sa salamin. I gave him my brightest smile. Kinakabahan ako at the same time na-eexcite dahil ilang oras na lang I’ll be Mrs. Vincent De Lirio. Pinigil ko ang sarili ko na tawagan si Vince para siguraduhing sisiputin niya ang kasal namin. Gusto kong sapakin ang sarili ko. Nababaliw na ako.

"France?"

"Ate?" masayang tawag ko sa kanya at tumayo ako para yapusin siya

"A-ah France may nagpapabigay sayo nito" inabot niya sa akin ang isang sobreng kulay brown.

"Hmm? Sino?"

"H-hindi ko kilala e inabot lang din sa akin"

"Okay. Mamaya ko na lang titingnan baka regalo sa amin ni Vince"

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon