KAB 41

271 16 0
                                    

FRANCE POV

  EUPHORIA

Kasalukuyan kaming nasa supermarket ni Vince. Kailangan daw naming bumisita sa Lola nya at hilig daw ng matanda ang pagluluto kaya naman eto kami at namimili.

“Ano ba Vince” inis na inis ako habang pinaglalaruan ni Vince ang hilaw na isda at inilalapit sa akin.

Ibinaba niya ang isda saka umaktong yayapos sa akin “Hep” sumenyas ako gamit ang aking palad.

“No. Dyan ka lang malansa ang kamay mo ewww”

“Ewwww” ginaya pa niya ako

“Vincent!” at saka siya humalakhak. Batid ko ang pagtitinginan sa amin ng mga tao.

Chineck ko kung tama na ang ingridients. Magluluto ako ng kare-kare today dahil iyon daw ang gusto ng lola nya. Hindi ko naman alam kung bakit kailangan pa kaming pumunta doon.

“Teka” kumunot ang noo ko ng makita ang ilang nadagdag sa aking pinamili. Mayroong iba’t ibang chichiria, may soda, chocolates at marshmallows.

“Vince ano to?” nakataas ang kilay kong tanong sa kanya

“Foods?” Nakataas pa din ang aking kilay

“Akin yan. Isama mo na, ako naman magbabayad e”

“Oo nga, ikaw naman talaga ang magbabayad nito pero wag na tayo bumili ng hindi natin kailangan”

“Baby snacks natin yan while nasa byahe”

“Ibalik mo yan. We need to budget our money.Hindi porket may pambayad tayo bibili tayo ng bibili. Makita pa ng lola mo yan sabihin pabili ako ng pabili sayo nako” panenermon ko kay Vince.

Nagpout siya at isa-isang binalik ang kinuha. Huli niyang hinawakan ang marshmallows.

“Hindi ba talaga to pwede? I’ll pay it seperately”

Hindi ko mapigilang hindi matawa kaya tumalikod agad ako at nakagat ko ang aking labi. Such a baby “Osige na. tara na”

“Yes!” sigaw niya. Habang nasa counter kami at nakapila ay panay naman ang lambing niya sa akin. Nasa likudan ko siya habang nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat.

“Sayang talaga yung chichiria. Masarap pa naman yun habang nasa byahe” pinigilan ko ang tawa ko. Parang bata talaga.

“Why don’t we buy fruits? O kaya meal habang nasa byahe instead of junkfoods” suhestyon ko na alam kong hindi niya tatanggihan.

“Orayt” nakatingin sa amin ang cashier habang nilalagay namin ang aming mga bibilhin. Nang maipunch na ang marshmallows ay nagtungo na sa tabi ng bagger si Vince.

“Newly Wed kayo Ma’am?”

“huh? Hindi.” Alam kong pinamulahan ako ng pisngi

“ohh akala ko naman buntis na kayo”

“Hindi pa kami kinakasal” nahihiya kong sabi habang si Vince ay nangangain na ng marshmallows na walang kaalam alam mabuti na lang.

“malaki ba tyan ko?” curious kong tanong.

“Hindi mam, akala ko nagsisimula pa lang kayo magbuntis. Nakabestida kasi”

Pinasadahan ko ng tingin ang aking bestida. Naka white akong bestida na napapalibutan ng red floral design at dollshoes.

Nang matapos na maipunch ang lahat at paalis na kami biglang nagsalita si Vince sa cashier at sa bagger.

“Bubuntisin ko pa lang yan Miss para walang kawala sa kasal” at saka tumawa. Maging ang mga tao doon ay natawa. Hinampas ko siya sa braso.

“Baliw ka talaga!”

“Oh bakit? Baka may umeksena sa kasal ko at sabihing itigil ang kasal aba hindi ako papayag non. Kailangan wala ka ng takas. Walang tigil tigil ang kasal.”

Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa sinabi niya and just like him I’m looking forward to that day. Kinuha ko ang marshmallows at sinubuan siya habang naglalakad kami patungo sa parking lot. Hindi kasi siya makadala dahil magkabila ang kahong dala niya. Nang makarating kami sa parking ay kinuha ko ang susi sa bulsa niya at binuksan iyon.

Nang makasakay kami sa kotse ay ngumuso siya sa akin

“Ano?”

“Pahinge”

Inabot ko sa kanya ang marshmallows

“Isubo mo sa akin” inirapan ko siya

“Sus ang arte” umiiling kong sabi habang inaabot iyon sa kanya. Kinagat niya ang daliri ko ng dahan dahan.

“Arrgh! Vince naman” inis kong sabi. Kumakain ako ng marshmallows ng mapansin ko na hindi pa nya pinapaandar ang sasakyan. Nilingon ko siya bago isubo ang marshmallows. Nagulat ako ng bigla niyang kagatin ang marshmallows na kinagat ko din. Nang makain niya iyon ay hinalikan niya ako ng dahan dahan habang hawak ang aking pisngi. That was sexy.

I respond passionately to his kisses. Isinukbit ko ang aking braso sa kanyang leeg. Naramdaman ko ang pagbaba ng kanyang labi sa aking leeg dahilan para mapatingala ako. Matindi ang sensasyong dulot niyon sa akin. Bumalik ang kanyang halik sa aking mga labi at saka humiwalay. I’m craving, I want more.

“Not here honey” aniya at saka kumindat. Inis na binato ko siya ng marshmallows. He’s always like that. Gustong gusto niyang tini-tease ako. Ilang araw na din kaming nagme-make out. Naalala ko noon na bago kami nagkaroon ng second kiss but ngayon kulang ata ang maghapon kung hindi kami magki-kiss.

Pinaandar niya ang sasakyan. Ramdam ko ang kanyang tingin habang nagmamaneho. Ngiting ngiti naman ako habang nakatingin sa labas.

“Sh*t” bulong niya bago pumreno ng malakas. Miski ako ay nagulat. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hinawakan ko agad ang kamay ni Vince.

“Sorry. Naka red” turo niya sa stoplight.

I tsk-ed at umiling iling. Hawak ko pa din ang kanyang kamay. Nang mag green light na ay nakita ko na naman sa gilid ng aking mata ang pagtingin niya.

“Eyes on the road mister” sabi ko at saka umiling iling

“I cant help but to look at the beauty beside me”

Kinagat ko ang aking labi at saka lumingon sa bintana.

“Hey don’t bite that lip. It makes me want to bite it instead” napalingon ako sa kanya. He sounded sexy while saying those words.

“Then bite it” hamon ko sa kanya

“Are you sure?” kumikislap ang mga matang sabi niya

“No. I was just kidding. Tara na!” nagpout siya bago pinatakbo ang sasakyan. We’re just like that. Our relationship is sweet, blissful, happy and perfect. I don’t want it to end, kung mangyari man ang bagay na yon, Hindi ko iyon kakayanin, I will surely die.

A/N: Goodnight ~ :)

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon