CAROUSEL
Malakas na malakas ang kabog ng dibdib ko matapos bumagsak ang log at magtalsikan ang tubig sa atin. I know this is not because of the ride, but because of him. His eyes into mine. Hindi ko alam kung bakit isinuggest ko pa ang bagay na iyon.
Inalalayan niya akong tumayo at saka naglakad palabas sa log jam. Inabutan kami ng tuwalya ng isang staff at sinabing maari kameng dumerecho sa isang hotel malapit dito at magpahinga. Magkaiba ang hotel na tutuluyan ng mga lalake at babae. May iniabot siya sa aming isang sobre. Huwag daw itong bubuksan hangga’t hindi kami nakakadating sa hotel.
Wala kaming imikan ni Vince hanggang sa makalabas kami ng EK. Inimikan niya lamang ako noong maghihiwalay na kami sa parking.
“Bye. Take care” mahinang sabi ni Vince
“Ikaw din” ani ko naman at saka nagdrive. Nang makarating ako sa Seda Hotel ay agad akong inihatid sa kwarto. Sosyal naman pala talaga ang Dating Game na ito. Masyadong malaki ang budget.
“This is your room ma’am” ngiti sa akin ng isa sa mga staff
“Thank you”
Pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang magandang tanawin. Kitang kita ko ang Enchanted Kingdom dito. Naupo ako sa kama at saka binuksan ang sobre.
Congratulations for making it up to this far. We hope you enjoyed the event and you finally found your Mr. Right. We’re still giving you an alone time tonight with your partner before the announcing of winners.
At the 2nd floor of this hotel. Please find Ms. Klarisa who will be doing your perfect make-over for the perfect fairytale experience.
Don’t forget your shoes and make sure not to run away because on 12 mid night. You’ll both decide if it is a happy ever after or a happily never after. Goodluck!
Nahiga ako sa kama hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako bandang alas kwatro at nagsimula na maligo. Nagbihis lamang ako ng simpleng shorts at t-shirt bago bumaba sa second floor.
Sumalubong sa akin ang isang babaeng nagbabasa ng magazine. Matangkad siya at mukhang modelo.
“You must be Francine?”
“Ah yup. Francine” at nilahad ko ang kamay ko
“Nice meeting you Francine. I’m Klarisa and I’ll be the one doing your make up and your attire tonight.”
Kinulot niya ang buhok ko at nilugay ito. Matapos iyon ay sinumulan niya akong make up-an. Nagulat pa ako ng humarap ako sa salamin. Nakuha niya ang make up na bagay lamang sa mukha ko.
May kinuha siyang isang gown sa kama at saka tinapat sa akin.
“Try this one honey. Unang kita ko pa lang dito alam ko na ito ang bagay sayo”
Sinukat ko naman ito at nagulat ako dahil saktong sakto ito sa akin. Isa itong tube na gown na off shoulder. Hapit na hapit ito sa katawan ko kaya naman ay kitang kita ang hubog ng aking katawan. Maging ang aking dibdib ay naemphasize nito.
Naglakad ako at napapalakpak sya. “As I said, Bagay sayo to. Now wear this” aniya sabay abot sa akin ng sky blue na pumps.
“Pag hindi nainlove sayo ang partner mo bakla yon!” sabi niya bago ako tuluyang ihatid sa labas. Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ng mga tao maging ng mga kapwa ko kasali sa Dating Game.
Habang nakasakay ako sa sasakyan na maghahatid sa akin sa EK ay hindi ko maiwasang mag isip. Paano ang gagawin namin ni Vince? Magpapanggap? Bahala na nga mamaya.
Pagdating ko sa EK ay sinalubong ako ng ilang staff at panay ang paulan nila sa akin ng papuri. Pagkapasok ko sa Entrance ay tumutunog ang isang awitin.
There I was again tonight forcing laughter, faking smiles
Same old tired, lonely place
Walls of insincerity
tumambad sa akin ang sumasayaw na fountain. Umiikot ang carousel at buhay na buhay ang buong amusement park. Muka itong fairytale. Naglakad ako… at doon ko siya nakita.
Nakatalikod siya at nakatingin sa nasayaw na fountain na nag iiba ng kulay. Tila nag iisip ng malalim. Alam kong siya yon. Sigurado ako kahit pa nakatalikod siya. Bigla siyang humarap at nagtama ang aming mga mata
Shifting eyes and vacancy vanished when I saw your face…
All I can say is it was enchanting to meet you…
Hindi ko alam kung bakit parang ang lakas ng kalabog ng dibdib ko habang nakita kitang palapit sa akin
Your eyes whispered, "Have we met?"
Across the room your silhouette starts to make it's way to me
“Hi” aniya at saka ngumiti sa akin. Simula pa lang ng nakita ko sya noon ay alam ko na hindi kami magkakasundo, alam kong gwapo sya ngunit I’m immuned by his charms. Pero ngayon… ang bilis ng tibok ng puso ko at parang natriple pa ng ngumiti siya sa akin.
“Hi” nahihiya kong sabi
“Babaeng babae ka ngayon ha at mukang gumamit ka ng foam ha” biro niya
“Gago ka talaga” nagawa kong sabihin kahit sobrang kabado ako
The playful conversation starts
Counter all your quick remarks like passing notes in secrecy
“Shall we?” at saka niya nilahad ang kanyang braso sa akin
Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ay parang gustong gusto ko uminom ng tubig. Sinukbit ko ang aking kamay sa kanyang nakalahad na braso bago kami naglakad patungo sa carousel na tumigil sa pag ikot.
All I can say is it was enchanting to meet you
Oh Baby I was so enchanted to meet you too
“Sakay na Cinderella” aniya at sumakay naman ako sa kabayo. Hawak hawak niya ang kabayo habang ako ay nakaupo sa ibabaw noon. Nakailang tigil pa ang kabayo dahil sa iilang mga kasali na nasakay din.
This night is sparkling, don't you let it go
I'm wonderstruck, blushing all the way home
I'll spend forever wondering if you knew
I was enchanted to meet you too
“They’re beautiful… but damn! you’re the most beautiful woman in my eyes tonight” bulong niya sa akin na nakapagpatindig ng balahibo ko.
I was never in love with someone else
I never had somebody waiting on me
'Cause you were all of my dreams come true
And I just wish you knew
Oh Baby I was so in love with you…
Juicecolored kung tunay na kabayo to malamang nahulog na ako sa sobrang bilis ng kalabog ng puso ko. Lintek naman na carousel to oo!
BINABASA MO ANG
This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)
RomanceHindi normal para kay Francine Mimoto ang manira ng kasal ng may kasal ngunit ng malaman niya ang dahilan kung bakit umalis ng bansa ang kapatid niyang si Venice ay agad nagplano ang dalaga on taking revenge sa lalakeng nanakit sa kapatid niya only...