A/N: Sobrang busy ko kahapon T^T Hello guise :) Thank you sa pagbabasa~
TEARS
Habang nasa byahe kami ni Vince ay panay ang asaran namin at kuhaan ng litrato.
“Ano ba yan puro wacky! Ang panget kasi e”
“Tss maiinlove ka ba sakin kung pangit ako?” aniya at saka ginulo buhok ko
“Yabang” sabi ko saka umirap at tiningnan ang ilan pa naming kuha.
Namangha ako ng makita ang isang malaking gate na nilikuan ni Vince. Napapalibutan ito ng talulot ng bulaklak. Sumenyas si Vince sa gwardiya na nagbukas at saka kami nagdire-diretso. Nilabas ko ang aking katawan sa bintana. Napakaganda ng garden dito. Sa itaas nito ay may mga bulaklak na nakasabit at napapalibutan ng iba’t ibang kulay ng bulaklak ang daan, May kulay asul, dilaw, pula at iba pang kulay ng mga bulaklak.
“We’re here” aniya at saka ako pinagbukas ng pinto. Namamangha pa din akong nakatingin sa paligid. May ilang paruparo ang lumilipad sa paligid akala mo isa itong attraction sa mga zoo.
“Welcome to my Grands Sanctuary” aniya at ngiting ngiti
“Mahilig kasi si Lola sa flowers. She’s a nature lover by heart. Kaya ayan pinalibutan ng bulaklak” pagpapatuloy nya. Dala dala niya ang pinamili habang papasok kami sa isang malaking bahay.
“Sir Vince nadalaw kayo ah! Kaya pala tuwang tuwa si Madame” ani ng isang lalakeng nagdidilig. Binitawan niya ang hose upang salubungin kame. Dumako ang tingin niya sa akin na tila gulat na nakita ako.
“Ah oo nga Kuya Carding medyo naging busy e, Girlfriend ko po” hinawakan ni Vince ang aking balikat at kinabig ako palapit sa kanya
“Ay kagandang binibini naman ng girlfriend mo Sir” bati nito sa akin at ngumiti naman ako
Pagtapak pa lang namin sa Mansion ay tumambad sa amin ang isang malaking frame na may litrato ng buong angkan ng mga De Lirio. I saw Vince grinning, katabi niya ang kanyang Lola while si Grace naman ay nakaupo sa paa nito.
“Ang gwapo ko no?”
“Sus” at inirapan ko siya. Nang makarating kami sa loob ay pinagmasdan ko ang halera ng mga litrato na nakalagay sa isang mahabang table. Halos lahat iyon ay kuha ng buong pamilya, ang iba pa nga ay luma na.
“Apo you’re here” bati ng Lola ni Vince habang pababa ng hagdan at malapad ang ngiti sa mga labi. Nakabuka ang kanyang mga braso na handang yumapos kay Vince.
“Ang paborito kong Lola” nagyapusan sila ni Vince at hinalikan nito ang matanda sa pisngi.
“Oh La by the way, my girlfriend Francine. Pinakilala ko sya sainyo last time” bumilis ang kabog ng dibdib ko ng makita ang pagkawala ng ngiti sa labi ng Lola ni Vince.
“Hi Francine” mapaklang bati niya at saka tumalikod.
“Come on Vince mag meryenda ka muna”
Tumingin ako kay Vince at hinapit naman niya ako. Marahan niyang hinimas ang aking braso. Naalala ko tuloy ang sinabi ng Lola nya na hindi ako bagay kay Vince, na palubog na ang pamilya ko at iba pang masasakit na sinabi nya noon. Huminga ako ng malalim bago kami sumunod sa Lola ni Vince.
Nang makarating kame sa dining ay natigilan ako sa nakita ko.
“Hi Vince. Hi Francine” nakangiting bati ni Katrina.
Ngumiti naman ako sa kanya kahit alam ko na plastik ng kinalabasan ng pag ngiting iyon. Inalalayan ako ni Vince at pinaghila ako ng upuan. Naramdaman ko ang paninitig ng Lola ni Vince at ni Katrina sa amin.
BINABASA MO ANG
This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)
RomanceHindi normal para kay Francine Mimoto ang manira ng kasal ng may kasal ngunit ng malaman niya ang dahilan kung bakit umalis ng bansa ang kapatid niyang si Venice ay agad nagplano ang dalaga on taking revenge sa lalakeng nanakit sa kapatid niya only...