A/N: I'm sad. Really really sad. </3 Enjoy~
FRANCE POV
ANONG MERON?
Masaya ako na sa wakas ay naamin ko na din kay Ate Venice ang tungkol sa amin ni Vince. Aaminin ko na nabahala ako sa pagdating ni Ate. Natakot ako na bumalik ang pagtingin nila ni Vince sa isa’t isa. I'm very thankful na nagkaroon ako ng understanding na kapatid.
Nagpaalam ako kay Vince at saka pumasok sa loob ng bahay ng makita si Ate na tila may kausap sa kanyang cellphone. She seemed angry, mukang may kaaway.
“You stick with the plan. Hindi ako umuwi dito para sa wala lang”
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko din alam kung bakit biglaan ang pag-uwi ni ate, maging si Mommy and Daddy ay hindi ko pa nakakausap tungkol dito.
Napalingon si Ate sa direksyon ko at sumenyas sa akin ng sandali lamang.
“We’ll talk some other time okay? bye”
May nagbago kay Ate Venice hindi ko mawari kung ano ang nagbago sa kanya pero alam ko na may nagbago, Nararamdaman ko o baka dahil hanggang ngayon ay na a-awkwardan ako na boyfriend ko na ang ex boyfriend nya.
Ngumiti siya sa akin at niyapos ako “I miss you baby sis. I’m sorry kung iniwan kita noon”
Ngumiti din ako at saka umiling “Wala yon ate, naiintindihan ko naman saka diba kasama mo naman sila Dad and Mom kaya naiintindihan ko. I’m glad na okay ka na” Okay na nga ba sya?
“ So, anong nangyari nung wala ako?”
“Hmm madami” maikli kong sagot habang inaayos ang pinagkainan namin
“Like what?” aniya na tumulong na din sa akin
“Yung sa amin ni Vince. Ate, talaga bang okay ka na? I want you to be honest with me”
Tumawa sya “Of course okay na ako. I even gave you my blessing diba?”
“I’m sorry ate”
“Its okay baby sis. If that’s what makes you happy syempre dapat kong tanggapin at saka matagal na yung sa amin ni Vince. You don’t have to worry” she gave me an assuring smile.
“Thank you ate” I hug her tightly. Nagpapasalamat ako na may kapatid ako na kagaya nya
Kinabukasan ay maaga kami gumising ni Ate. Nagyaya siya sa Salon para daw makapag relax kaming dalawa. Tinawagan din nya si June para daw madami kami. Agad naman akong napaisip, Naalala ko kasi dati na ako ang mahilig magyaya sa Salon sa aming dalawa.
“Girl bonding” sabi ni June habang nakahiga sa kama ko
“May atraso ka pa sa akin June” sabi ko dito habang pinapatuyo ang buhok ko
“Babe naman, nadulas lang ako at nakalimutan ko kasi na ex sya ng kapatid mo”
“Lagi ka na lang nadudulas” nakasimangot kong sabi sa salamin
“Sorry na. Eto naman oh. Pero alam mo babe nagulat nga ako na ang bilis umuwi ng ate mo, kausap ko lang sya 2 days ago at ngayon nasa Pinas na sya.”
“Sabi nya may importante daw kasi syang aasikasuhin dito. Hindi ko na inusisa kasi alam mo naman lahat ng desisyon at ginagawa ni Ate tama” pagkikibit balikat ko
“Eh oo nga, edi ang awkward sainyo?”
“Okay na din kami. Nag usap na kami kagabi”
“Pero babe isa pa, Ate Venice changed a lot, pansin mo? Hindi naman mahilig mag salon yun and now sya pa nagyaya”
BINABASA MO ANG
This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)
RomansaHindi normal para kay Francine Mimoto ang manira ng kasal ng may kasal ngunit ng malaman niya ang dahilan kung bakit umalis ng bansa ang kapatid niyang si Venice ay agad nagplano ang dalaga on taking revenge sa lalakeng nanakit sa kapatid niya only...