KAB 46

243 14 0
                                    

Ilang araw din akong walang UD sorry at sobrang naging busy ako. Ita-try kong makagawa pa ng isang update. Madaming Salamat po. Enjoy~

THE UNEXPECTED GUEST

“I missed you. Just…just don’t leave me again okay?”

“Hindi kita iniwan Vince, Ikaw ang nang iwan sa akin” tumungo ako at tiningnan ang mga daliri namin na magkasiklop.

“What?” tila gulat na tanong niya

“Lumabas ka, iniwan mo akong naiyak”

“Look at me France” aniya saka hinawakan ang aking baba at inangat ito upang salubungin ang kanyang paningin

“Hindi kita iniwan, I want to hug you that time, I want to tell you, you don’t have to worry because I’m inlove with you France. Hindi na magbabago yun. I’m in love with you… only you. Pero that day, I saw your eyes at galit na galit ka sa akin, Kaya naisip ko na wag na lang sabayan ang galit mo, wag na lang akong umimik and let you cool down bago tayo uli mag usap. Because sometimes, making decisions when you’re angry only bring regrets, and I don’t want to make regrets when it comes to you France. Ayokong may pagsisihan. Si Katrina? She’s dating someone… hindi ko nga alam kung bakit nagpapadala sya sa mga Lola namin”

“I saw you two kissed” naiiyak na sabi ko sa kanya

“Aaminin ko sige she kissed me pero hindi ko yon ginusto. I choose to be loyal to you France kaya kahit anong lapit nya sa akin ikaw lang! Walang sandali na hindi ikaw ang nasa isip ko. Noong nagpaiwan ka, I want to go back. Yun naman ang dahilan kung bakit tayo nagpunta kala Lola diba? To spend time together. Sinubukan kong itext ka pero kinuha ni Lola ang phone ko. I want you to know na ikaw lang ang nasa isip ko tuwing napapalayo ka sa akin” hindi ko na napigilan ang tuloy tuloy na daloy ng luha ko.

“Nung umalis ka? Naglasing ako, nag away kami ni Lola, inaway ko ang lahat ng tao doon. Umalis ako. Nagpalamig lang ako France pero umalis ka….Umalis ka na naman at p*tang in*! Iniwan mo na naman ako” nagulat ako ng suntukin niya ang manibela.

“You don’t know how scared I was nung nalaman ko na stranded lahat ng sasakyan pa maynila. Paano kung may mangyari sayo? I texted you so many fc*kng time pero you never text me back. Just a simple text … just a simple text France. Kahit simpleng bye lang”

“Hindi mo alam kung gaano ako natuwa na nung sinabi mo na mag usap tayo. I can’t let go France. I can’t afford to lose you… not now, not ever!” umiiling iling na sabi niya. Pinunasan ko ang luha sa kanyang pisngi.

“I’m sorry Vince….I’m sorry” umiiyak ko ding sabi habang magkadikit ang aming mga noo.

“Shhh. Okay na tayo diba? ” aniya at saka ako niyapos.

Tumango naman ako dito. Tahimik lang kami habang nasa byahe pero hindi pa din nya binibitawan ang kamay ko habang nagmamaneho gamit ang isang kamay.

Nang makauwi kami ay doon na kami kumain ng aming mga binili sa jollibee. Mabuti na lang din at nasa bahay si Manang.

“Kamusta naman ang naging bakasyon ninyo? Maayos na ba kayo ng Lola ni Vince?” tanong si akin ni Manang.

“Ah opo maayos naman po. Masaya po, nag gardening kami” masayang sagot ko habang nakatingin ako kay Vince

Naubos ang maghapon namin ni Vince sa panonood ng TV. Nakahiga kaming dalawa sa kama, siya ay nakahiga ng mas mataas sa akin habang ako naman ay nakaunan sa dibdib niya. Nakayapos lamang siya sa akin habang nanonood.

“Vince?”

“Hmm?”

“Paano kung ipagpilitan ka pa din ng Lola mo kay Katrina?”

“Wala ng magagawa si Lola sa atin” at saka ako tumango

“Vince?”

“Hmmm?”

“Talaga bang wala ka ng feelings kay Katrina?”

“That was ages ago France at walang wala na akong gusto don”

“Kahit hinalikan ka nya?”

“ahuh” tumango siya

“Kahit bagay kayo?”

“Ahuh..mas bagay tayo. Bagay na bagay tayo” aniya habang inaamoy ang buhok ko

“Kahit-“

“Oo France kahit ganito, kahit ganyan o kahit ano pa yan. Ikaw lang okay? Ikaw na ikaw lang”

Ngumiti ako at mas lalong siniksik ang sarili ko sa kanya. Nang maramdaman ko ang unti unting paglalim ng hinga ni Vince ay minasdan ko siya na nakapikit sa aking tabi. Iniisip ko pa lang na buong buhay ko ay gigising ako na siya ang kasama ay labis na akong natutuwa.

“Stop staring baka hindi ako makapagpigil France” nagulat ako ng magsalita siya. Hinampas ko ang dibdib niya at saka siya tumawa habang nakapikit. Gising pala ang loko.

“Gising ka pa pala nakakainis ka”

Tumawa siya bago nagmulat. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko na humahampas sa kanya at nagawa niyang umibabaw sa akin.

“Sisigaw ako ng rape” sabi ko sa kanya habang hinihingal kakatawa

“Edi sumigaw ka. Akala mo hindi ko totohanin ang bintang mo? rape? Osige halika…”

Tumili ako ng kilitiin niya ako sa gilid ng aking bewang. “Ano ba Vince ayaw ko na”

Parehas kaming humihingal kakatawa ng humiga siya muli sa tabi ko at kunin ang kumot. Tinalukbong niya ito sa aming dalawa. Humarap siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.]

“Vince ganito din ba kayo ni Ate noon?” wala sa sariling lumabas ang tanong na iyon sa bibig ko

“France I want to tell you something –“ naputol ang sasabihin ni Vince dahil sa paulit ulit na tunog ng doorbell.

‘Wait lang Vince ah tingnan ko kung sino yun. Baka si June” inayos ko ang damit ko at buhok ko bago lumabas ng kwarto. Siguro si June to,nakalimutan ko na kasi itext na nakauwi na ako ulit.

Nagtungo ako sa pinto upang tingnan kung sino ang nagdo-doorbell pero tila napawi ang ngiti ko ng makita kung sino ang nasa labas.

"Baby sis!" tuwang tuwa siya at niyapos ako ng mahigpit. Pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko and this is bad. Hindi ko dapat maramdaman sa kapatid ko ang ganito. Hindi ba dapat masaya ako? Hindi ba dapat kinukulit ko na siya ngayon? Hindi ba yun lang ang gusto ko? ang umuwi sya para magkasama na uli kami? pero bakit ganito ang pakiramdam ko.

Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at saka hinawakan ang magkabilang braso ko "Hey! You okay? Hindi ka ba makapaniwala na nandito na ako uli?"

Hindi ako nakasagot. Paano ko sasabihin sa kapatid ko na boyfriend ko na ang dahilan ng pag-alis nya? na boyfriend ko na ang wumasak sa puso niya at dahilan kaya sya umalis?

"France ang tagal mo naman. Sino ba yan?" kinabahan ako ng marinig ang boses ni Vince sa aking likudan at nakita ko ang pagkapawi ng ngiti ni Ate.

"Vince?" gulat na sabi niya saka lumapit dito. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Vince ng yapusin siya ng ate ko. Ito na ang isa pang bagay na hindi ko maamin sa sarili ko, natatakot ako na bumalik uli ang pagtingin nila sa isa't isa. Natatakot ako dahil alam kong ano mang oras ay handa kong bitawan si Vince para sa kapatid ko.

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon