VINCE POV
JUN JUN
Kanina pa ako iritado sa kapartner ko na kung makadikit parang linta. Matapos ako iwan ni France at nong partner nya ay natagpuan ako ni Rina. Kwento sya ng kwento at sinabing kakabeak lang nila ng boyfriend nya. Pakelam ko ba don. Ni hindi nga ako naimik e.
Nang makadating kame sa Station 2 ay nakita ko ang kakaalis lang ni France at ng partner nya. Mukang close na sila ni ulupong. Kasalanan ko ba na akala ko talaga kinukuha nya ang number ni France? Yun kasing si Bettina tinanong agad ang number ko kanina. I mean, hindi itong number ko sa bracelet pero number ko talaga.
Nilalandi nya ako kanina at syempre nagpapalandi naman ako. Bettina is pretty and hot. How can I say no? One of these days alam kong mapapasakin sya. HAH!
Nakita ko ang nakamangot na si France na naglalakad sa direksyon namin. Pinili kong wag syang pansinin pero lintek na babae talaga to. Nagparinig pa.
Nang makuha namin ang cards na naglalaman ng gagawin namin ay gusto ko na agad mag back out. Takot ako sa mga rides at hindi ako mahilig sa amusement parks. How can Grace signed me up in this kind of dating game. Kung tutuusin I’m not after the prize, I’m after the girls na maari ko makilala.
Pagkapasok namin sa station ay nilitanyahan kami ng staff doon tungkol sa kailangan naming gawin sa roller coaster ride. Agad kong napansin ang nag uusap na si France at kulas ba yun? Whatever! Ang cheap ng name nya.
Napansin ko ang pagtingin ni France sa direksyon namin kaya naman ng hawakan ni Rina ang braso ko ay ngumiti ngiti pa ako kahit para akong mamatay sa kaba dahil sa roller coaster na to.
Panay ang sigaw ko habang nasa ride kami. Gustong gusto kong itulak tong si Rina. Natatakot na nga ako kapit pa ng kapit.
“UWAAAAAAAAAAAAAAAAA” malakas kong sigaw habang patuloy sa pag ikot ang roller coaster naririnig ko naman ang boses ni France at ni Kulas na nagtatawanan sila at sumisigaw. Nang matapos ang rides ay halos hindi ako makahinga. Pakiramdam ko naiwan ang kaluluwa ko sa isang bahagi ng roller coaster.
Hindi pa ako nakakahuma ay nakita ko ang pag alalay ni Kulas kay France habang pababa. Tch! Kilig na kilig ang retard na yon. Corky Retard.
Seryoso akong gustong gusto ko sipain si Rina dahil sa inis. Nag iinarte pa sya nakita naman nyang tapos na. Habang naglalakad kami palabas ay tumigil siya para sagutin ang tawag sa cellphone nya.
““Yes? Speaking. Huh? Really? Oh? Okay Why? Ooohh okay yun lang ba? Okay okay. Thanks. Yeah super thanks!”
Iritable akong nakatingin sa kanya “Ahm Vince I have an errand to do. Hindi ko maitutuloy tong game. Masyadong madaming kailangan asikasuhin, so… here’s my number. Call me if available ka” aniya at saka tumakbo
Kasabay ng pag-alis niya ang pagtapon ko ng number nya. So? What should I do? Aalis na lang? Naglalakad ako ng biglang may nagsalita, isang annoucement.
“Attention participants please proceed to the fountain. Thank you”
Ngpunta ako doon at nakitang nagpe-pair up na ang iba. Iginala ko ang mata ko at hinanap ang mukha ni Francine sa karamihan ng mga ito.
“B21” narinig kong tawag ng staff sa aking numero. Kahit di ko alam ang nangyayari ay nagulat ako at nagtungo sa unahan.
“And G14” tawag ng staff and then I saw her. Nanlaki ang mata niya ng magtama ang aming tingin then I flashed her a big smile.
“Gotcha”
She walked and stand beside me. Hindi nya ako pinapansin.
‘You may now continue the game” ani ng isang staff
Mabilis siyang naglakad at hinabol ko naman ang bawat hakbang niya
“Hoy! Ano ba?”
“Pwede ba Vince tigilan mo ako. Gusto ko mag enjoy”
“Ano bang ginagawa ko sayo? Labo mo naman France”
“Paano naman ako mag eenjoy kung ikaw ang kadate ko? Joke time ba tong larong to? Kaya ako nandito para makakilala ng lalakeng pwede ko idate tapos ikaw lang din naman pala ang magiging partner ko? “ iritadong sabi niya habang naglalakad pa din. Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang kanyang pwet na kumekendeng habang naglalakad.
Nilingon nya ako ng wala siyang narinig na response sa akin. Sorry babe I’m busy checking your sexy butt.
“Are you checking out on me? Nakakadiri ka Vince. Akina nga yang papel” at saka hinablot sa akin ang natitira naming kailangang gawin.
“Nakita mo nakalagay dito? Horror booth. Doon ang horror booth” turo niya. Sumunod namana ako. Nang makarating kame ay pinosasan agad kami at pumasok sa horror booth.
“Saan naman natin hahanapin dito ang susi? Fck naman oh! Daming arte”
“Just… mauna ka na nga!” aniya
“No. Ikaw ang mauna, ladies first”
“Duwag talaga”
“anong sabi mo?”
Hindi na namin naituloy ang pagtatalo namin dahil parehas kaming napasigaw sa gulat ng may isang white lady na sumalubong sa amin.
Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya.
“Duwag ka talaga no? Sus naman Vince. Mga tao yan, nananakot lang” sabi mo at saka dire-direchong naglakad hindi alintana ang mga nananakot. Samantalang ako ay sigaw ng sigaw.
“Teka France wag mo ako iwan”
“Bilisan mo”
“Uwaaaaaaaaaa!” sigaw ko ng may sumulpot na nakamaskarang nilalang.
Sa takot ko ay tumakbo ako at pinilit ko siyang abutan. Nang malapit na malapit na ako kay France at nakikita ko na ang liwanag ay natisod ako dahil kay Sadako na humawak sa paa ko dahilan para ma-out of balance ako at mapahawak sa isang malambot na bagay. Kinapa kapa ko ito at bahagyang pinindot.
Malambot…
“WALANG HIYA KA TALAGA VINCEEEEEEEEE!”sigaw niya saka ko naramdaman ang malakas na sipa sa aking alaga. Ahhhhhhhhh Jun Jun ko! sabi ko habang nagtatatalon sa sakit.
BINABASA MO ANG
This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)
RomanceHindi normal para kay Francine Mimoto ang manira ng kasal ng may kasal ngunit ng malaman niya ang dahilan kung bakit umalis ng bansa ang kapatid niyang si Venice ay agad nagplano ang dalaga on taking revenge sa lalakeng nanakit sa kapatid niya only...