A/N: See the Multimedia Section for Channie :3 Malaking part ang gagampanan nya sa Story na ito. Hihi ^^v the end is near... *evil laugh*
I MISSED YOU
Nagpapasalamat ako na kinabukasan ay maganda na uli ang panahon. Bitbit ko ang aking mga bagahe at sumakay na ng bus. Hindi ko na nakita ng umagang iyon si Channie baka sa naunang bus na ito sumakay. Nagpapasalamat ako at nakilala ko siya sa sandaling panahon. Medyo guminhawa ang pakiramdam ko.
Pumwesto ako sa may bintana at tinext si Vince na maayos lamang ako at doon na lang kami magkita sa bus stop. Kahit galit ako sa kanya ay kailangan naming mag-usap. Iniisip ko tuloy kung siya din kaya ang naghatid kay Katrina pauwi.
“Hi may nakaupo ba dito?” ani ng isang lalakeng nakasalamin at napakatangkad. Sa kanyang tainga pa lang ay alam ko na si Channie sya.
Umiling ako at saka tumawa “Walang nakaupo”
“Tinanghali ako ng gising ang sarap matulog ah” aniya habang nag-iinat ng katawan.
“So? Anong balita? Nagkausap ba kayo?”
“Hmm oo, susunduin nya ako. Gusto mo ipakilala kita?”
“Wag na no!”
Umismid ako sa kanya at saka tumawa
“Nga pala, ikaw? Anong kwento mo?”
‘Wala. Namatay yung girlfriend ko” cool na cool ang pagkakasabi nya non na parang napakasimple lang ng salitang kanyang binitawan
“Sorry”
“Okay lang” ngiting ngiting sabi niya sa akin
“mahilig sya sa steak” aniya habang ngiting ngiti
Saka bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi. Kaya nya ako nilapitan ay dahil naaalala niya ang girlfriend nya sa akin?
"So? magkikita na kayo ng boyfriend mo?" pag-iiba niya ng topic. Hindi ko na binalak pang tanungin siya muli. I know iniiwasan niya ang ganitong usapan.
"Hmm Yup, kasi diba sabi mo kailangan naming mag-usap, you know, to clear things between us"
"That's good" tumango tango siya "Pahiga ako ha? Puyat kasi ako. Gusto ko pa matulog" aniya saka inalabas ang kanyang headphones at nilagay iyon sa kanyang tenga, pinagkrus ang braso at sumiksik sa akin. Nagulat pa ako ng sumandal siya sa balikat ko. Hinayaan ko na ganon lamang siya habang minamasdan ko daan.
Napukaw ang atensyon ko ng tumunog ang cellphone ko sinilip ko ito, mensahe mula kay Vince.
"Baby nasaan ka na? Nandito na ako"
Nagtaka ako dahil napaka aga pa. Iniiisip ko tuloy kung anong oras siya umalis. Tinago ko ang cellphone ko sa bag at hindi na pinansin pa ang mensahe niya. May kasalanan sya dapat lang naman siguro na mag inarte ako hindi ba?
Hindi ko namalayan na nakatulog na din ako. Nagising ako na nakapatong ang aking ulo sa balikat ni Channie, ang kanyang jacket ay nakatakip sa akin na nagsisilbing kumot.
"Gising ka na pala. Malapit na tayo" masayang bati niya sa akin
Kinusot ko ang mata ko at tiningnan ang paligid. Pamilyar na ako sa kalsada. I'm definitely back in Manila.
"Thanks" sabi ko kay Channie at saka inabot dito ang jacket niya.
Tumigil na ang bus hudyat na kami ay nasa aming destinasyon na. Naunang bumaba si Channie kasunod ako. Nagulat pa ako ng abutin niya ang kamay ko at alalayan ako sa pagbaba ng bus.
BINABASA MO ANG
This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)
RomanceHindi normal para kay Francine Mimoto ang manira ng kasal ng may kasal ngunit ng malaman niya ang dahilan kung bakit umalis ng bansa ang kapatid niyang si Venice ay agad nagplano ang dalaga on taking revenge sa lalakeng nanakit sa kapatid niya only...