VINCE’S POV
WEAKNESS
Oh? Bakit point of view ko to? Kainis naman oh! Bago kayo magalit sa akin alamin nyo muna ang side ko okay? Wag kayong mapanghusga! Porket playboy masama na agad. Unfair guys! Unfair!
Nagdrive lang ako ng nagdrive bahala na kung saan ako mapunta. Iniwan ko si Francine sa kalsada sa loob ng Villa. Madilim pa naman don at puno puno miski nga ako natatakot pag nadaan don. Walang tao dun e pero sabi nya gusto nya bumaba edi bahala sya.
Hindi ko naman talaga sinasadya na sabihin kay Francine yon. Totoo lahat ng sinabi ko. Oh nagulat kayo? Totoo yon. Venice is my bestfriend, nagulat uli kayo? Hindi pa kasi ako tapos kayo talaga oh! Patapusin nyo kasi muna ako
Venice is my bestfriend. Nagkakilala kame sa hospital ng family ni Mommy. Doon kasi sya nag intern. Si Venice ang pinakamaganda sa lahat ng nag intern that time, para syang anghel na bumaba sa langit kaya naman tinry kong pormahan pero lagi nya ako tinatanggihan. Paano ba naman pagkatapos ko sya suyuin ibang intern naman ang susuyuin ko. Gago lang no?
Isang araw non palabas ako ng ospital ng makita ko si Venice na may kausap na lalake. Nakita ko kung paano sya nagpupumiglas at inaalis ang kamay ng lalake sa kanya. Syempre ako naman dahil nga magandang babae tong si Venice at baka sakaling mabigyan ako ng chance lumapit ako sa kanila at nagpakasuperhero. Binigyan ko ng isang malakas na suntok ang lalakeng nakahawak sa kamay nya.
Gulat na tinulak ako ni Venice at dinaluhan ang lalakeng sinuntok ko. Lintek naman oh ako pa pala ang kontrabida dito? Mga babae talaga oo, nag iinarte pa gusto din naman pala. Inalalayan ni Venice ang lalake at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang lalake yun.
“Ku-kuya gelo?” gulat na sabi ko sa pinsan ko.
“Vi-vince ang lakas non ha. Ha-ha-ha” at saka niya sinapo ang pisngi na sinuntok ko
“Kuya ano bang ginagawa mo dito? Saka bakit? Magkakilala ba kayo ni Venice?”
“Vince…” nakita ko ang takot sa mata ni Venice
“Ah oo, kaibigan ko si Venice” nakangiting sabi ni Kuya Gelo samantalang tumungo lang si Venice. That time alam kong may mali. Gago din kasi tong pinsan ko. Kaya naman isang araw sinubukan ko kausapin si Venice.
“Venice wait”
Namutla siya ng makita ako at patuloy na naglakad
“Venice!” tawag ko saka hinawakan ang braso nya
“Ano ba Vince? Busy kasi ako, kung may sasabihin ka bilisan mo”
“Kayo ba ni Kuya gelo?” sa reaksyon pa lang nya ay nahuli ko na sya
Nanlaki ang mata nya at agad akong hinila sa isang tabi “Vince wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo!”
“So kayo nga?”
Tumango sya. I knew she didn’t know how to lie. She’s too good, sa sobrang bait pwede na magmadre.
“Alam mo na may asawa sya diba?”
“Hi-hindi ko alam noong una, nalaman ko na lang nitong isang araw kaya kami nag aaway”
“Gago talaga yong lalakeng yon!”
“Nakikipaghiwalay na ako sa kanya Vince, ayoko makasira ng pamilya. Please wag mong sabihin kahit kanino”
Syempre dahil mabait naman ako hindi ko sila ibinuking.Isa pa e hindi naman talaga maganda ang ugali ni Veronica. Masyadong maarte at matapobre yung babaeng yon kaya nagtataka ako bakit sya pinakasalan ni Kuya Gelo.
BINABASA MO ANG
This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)
RomantizmHindi normal para kay Francine Mimoto ang manira ng kasal ng may kasal ngunit ng malaman niya ang dahilan kung bakit umalis ng bansa ang kapatid niyang si Venice ay agad nagplano ang dalaga on taking revenge sa lalakeng nanakit sa kapatid niya only...