A/N: Ngayon lang nagkaron ng chance na mag update. Nagbrownout at nawalan kami ng net dahil kay super mario. Kamusta lahat? Hope you're all safe guise! Enjoy~
TICKET
Pagkadating ko sa office ay nadatnan ko ang isang sobre sa aking table. Kinagat ko ang hawak kong biscuit at saka binaba ang bitbit kong kape bago tiningnan ang nasa isang puting sobre na mayroong pangalan ko na nakasulat sa isang malinis na kurba.
Agad na napakunot ang noo ko iniisip ko tuloy kung si "Anon" ba ang nag iwan nito dito. Agad kong binuksan ang laman ng sobre at nanlaki ang mata ko sa nakasulat dito.
Congratulations! You've won a ticket!
This is a free pass for our Dating Game.
Do you love sports? How about Games? Loveless? This maybe the chance to find your "Mr. Right" . Its a chance to get to know someone, be with them for the rest of the day, test your compatibilities and win and spend the entire game together.
When: September 21, 2014, Sunday, 10am to 12mn
Where: Enchanted Kingdom, Sta. Rosa Laguna
What to wear: anything red
No backing out. we already signed a form for you.
See you there No. 14!
"oh nakita mo na pala" ani June
"Ano to? Hindi naman ako sumasali sa kahit ano bakit may Free Pass ako?"
"Iniregister kita" aniya na parang wala lang ang ginawa nya
"Ano? Bakit naman?"
"Kasi naman babe ilang taon ka na wala ka pading lovelife?"
"Babe alam mo na hindi ako nagmamadali at saka ang love kung para sayo yan dadating at dadating yan"
"Ay nako! I registered you and nakita mo naman siguro nakalagay sa invitation, NO.BACKING .OUT. Besides, mahilig ka naman sa games diba? Wala namang mawawala kung sasali ka at saka ienjoy mo na lang kung talagang hindi mo matypan ang partner mo. Pero babe malay mo naman gwapong papa ang maging partner mo? Sayang naman diba?"
"Kainis naman to babe! Hindi ako mahilig sa mga ganitong date date na to. Saka isang buong araw? Seryoso ba to? Masasayang lang isang araw ko e. Wala ba magawa sa buhay ang mga kasali dito?"
"Pumunta ka na lang" hinablot niya ang sobre at saka binasa
"Nakito mo... See you there G14? So it means may B14 din? Kung hindi ka dadating paano na si B14? Edi wala syang date? Paano na lang kung sobrang umaasa yung tao na makakahanap sya ng kadate sa araw na to pero hindi ka sumipot? At ang malala pa, paano kung dahil akala nya wala ng gustong makipagdate sa kanya ay nako babe! Kunsensya mo na yan!"
"Wow ha! Grabe sa pangongonsensya? Ganyan mo ba talaga kagusto na magkaboyfriend ako?"
"Babes hindi yon. I want you to date... to enjoy your life ... para hindi na lang sa Vince ng si Vince ang nakikita mo"
Kamuntik ko na maibuga ang kapeng iniinom ko.
"Hoy Junefer! FYI tanging galit ang nararamdaman ko kay Vince"
"Okay sige kung yan ang sabi mo. The more you hate the more you love" aniya saka nagpatuloy sa pagta-type.
Muli kong sinulyapan ang invitation sa sobre. Siguro nga kailangan ko itry makipagdate. Wala naman mawawala.
Nakailang paalala sa akin si June bago kami umuwi. Sinet ko ang aking alarm at saka natulog. Magiging mahaba ang araw ko bukas. Iniisip ko tuloy kung ano ang magiging itsura ng makakadate ko, ano ang ugali nya, magustuhan nya kaya ako? Sana hindi katulad ni Vince. Sigurado akong hindi ko matatagalan ang lalakeng yon.
Kinabukasan ay nakaresib pa ako ng tawag kay June bago ako umalis ng bahay.
"Oo na. Eto na pababa na ako. Mag iingat ako at mag eenjoy basta ba hindi kaugali ni Vince ang makakasama ko"
"Makikipag date ka na lang Vince pa din?"
"Alam mo June napapansin na kita kahapon pa ha! Wag mo ako itulak sa gagong yun. Hindi ko type yon" Ilang araw na din akong walang balita sa lalakeng yon simula noong concert at nagkasakit siya.
Humalakhak siya bago binaba ang tawag.
Pinatunog ko ang bago kong sasakyan. Yes! Meet Katty. My pink honda accord. Syempre sponsored ng aking Daddy. Ilang alibi din ang ginawa ko para maissue-han nya ako ng panibagong sasakyan. Naiinis akong tuwing naalala ko ang ginawa ng Vince na yon sa aking lumang sasakyan pero this one's better.
Malayo layo pala ang byahe ko ngayon kaya dumaan muna ako sa isang gasoline station para magpafull tank, mahirap na. Habang nasa byahe ako ay panay naman ang kanta ko at tapik ko sa aking manibela. Mukang maganda ang araw na ito. Nang makarating ako sa parking space ay napansin ko na madami na din ang nandito. Umikot ako upang humanap ng maganda gandang spot. Nang may makita akong bakante ay agad ko itong tinungo ngunit mula sa kabilang dako ay may isang sasakyan na sumulpot at naunahan akong magpark dito.
Sa inis ko ay binusinahan ko siya ng paulit ulit. Ganon din ang kanyang ginawa. kada busina ko ay bumubusina din siya. Tila nakikipagkompitensya. Ilang mga tao na nasa labas ang nakatingin sa amin. Mabuti na lang at tinted ang sasakyan ko. Wag lang tong lalakeng to ang makakapareha ko dahil sigurado akong to-torturin ko sya. Umikot ako at humanap uli ng mapapagparkan.
Nang makahanap ako ng parking ay nagretouch ako ng kaunti saka bumaba. Chineck ko maigi ang aking sarili. Nakasuot ako ng maong na jumper at tinernuhan ko ng three forts swag shirt (3/4) na magkahalong pula at puti at ang aking paboritong keds.
Bago ako pumasok sa entrance ay sinipa ko ng malakas ang gulong ng sasakyan kanina na ng agaw sa akin ng parking slot.
"nakakainis!"
naglalakad na ako patungo sa entrance ng may nagsalita
"RETARD BRAT!" aniya
Napalingon ako para sana sagutin sya pero parehas kaming napasigaw
"IKAW??"
BINABASA MO ANG
This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)
RomanceHindi normal para kay Francine Mimoto ang manira ng kasal ng may kasal ngunit ng malaman niya ang dahilan kung bakit umalis ng bansa ang kapatid niyang si Venice ay agad nagplano ang dalaga on taking revenge sa lalakeng nanakit sa kapatid niya only...