KAB 43

234 15 1
                                    

HE LEFT

"Uy France? Okay ka lang ba?" sunod sunod ang pagkatok ni Rosie sa pinto ng banyo. Matapos umalis nila Vince ay hindi ko na nakaya ang sunod sunod na daloy ng aking luha.

"Ayos lang ako Rosie. Lalabas na ako maya maya medyo nasakit kasi ang tyan ko" pagsisinungaling ko

"15 minutes ka na dyan sa banyo"

"Oo nga e constipated ata ako"

"Osya sige hihintayin ka na lang namin. Lilipat na tayo sa kabilang parte ng hardin"

"Osige Rosie. Salamat"

Kinalma ko ang sarili ko at binasa ng ilang ulit ang mata ko para maalis ang pamamaga nito.

"Ano ka ba naman France, para umalis lang si Vince nagkakaganyan ka na? E ano naman kung hindi ikaw ang kasama? Diba ikaw naman ang may gusto nito?" sabi ko sa salamin habang inaayos ang aking sumbrelo.

Masigla ang salubong sa akin ng mga hardinero't hardinera bago kami sabay sabay na nagtungo sa kabilang parte ng hardin. Pinulupot ni Rosie ang braso niya sa braso ko habang kinukwentuhan ako kung paano siya napadpad dito sa kanyang trabaho.

Nagpatuloy kami sa pagbubungkal ng lupa. Sumapit ang tanghalian at nagtungo kami sa isang kubo kung saan doon nagsalu-salo kami sa pagkain. Iniisip ko kung ano na ang ginagawa ni Vince sa mga sandaling ito at hindi niya magawang magtext sa akin. Magkasalo din ba sila ni Katrinang kumakain? Inalis ko iyon sa aking isipan at pinagtuunan ng pansin ang mga kasamahan kong nakain. Natuwa ako dahil halos lahat ay naka kamay at sa dahon ng saging kumain. Napuno ng kwentuhan ang buong kubo.

Matapos kami mananghalian at makapahinga ay nagpatuloy na uli kami sa aming gawain.

"Aling Mildred ako na po dyan" sinalubong ko si Aling Mildred na hirap na hirap bitbitin ang mga paso.

"Ako na Francine at mabibigat ito. Magpahinga ka na at padating na sigurado sina Madame"

"Sige na po Aling Mildred ako na po" sa pagpupumilit ko ay ako na ang nagbuhat ng mga paso. Inilapag ko ito sa gilid ng mga halaman na itatanim din bukas.

Matapos ang nakakapagod na paghahalaman ay nagpahinga muna ako at naligo sa kwarto na nakalaan para sa akin. Nagsuot ako ng simpleng tshirt at shorts. Sinilip ko ang aking cellphone ngunit wala ni isang text mula kay Vince . Ano na kaya ang ginagawa niya? Sumilip ako at naghintay sandali sa labas. Napansin ko na gumagabi na din pala. Nakailang alok na din sa akin ng pagkain ang mga kasambahay ngunit sinabi ko na busog pa ako. Gusto kong makasabay si Vince na kumain. Pagsapit ng alas otso ng gabi ay napatayo ako ng makita ang pagparada ng puting van sa parking ng Mansion. Unang bumaba doon si Vince na nakasuot na ngayon ng aztec na sando. Bahagya pa akong nagtaka dahil wala namang ganoong damit si Vince. Inalalayan niya pababa ang Lola niya bago si Katrina na nakapuyod ng mataas ang buhok. Nakasuot din siya ng aztec na sando na katulad noong kay Vince. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib kaya naman mabilis akong nagtungo sa kwarto at saka humiga. Ayokong maabutan ni Vince na gising pa, ayokong komprontahin siya at lalong ayokong makita niya na nasasaktan ako dahil sa simpleng bagay na iyon.Nagtalukbong ako ng kumot at pinikit ang aking mata. Nararamdaman ko na naman ang pagbabadya ng luha sa aking mata. Hindi ko kaya... Hindi ko kaya.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa aking silid at alam kong si Vince iyon. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata at nagpanggap na natutulog. Naramdaman ko ang pag upo niya sa gilid ng kama at saka hinaplos ang aking buhok.

“France?” tinapink niya ako ng marahan

“France?” Ilang ulit pa niya akong tinapik ngunit hindi ako kumibo. Mahirap gisingin ang taong nagtutulugtulugan.

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon