GOODNIGHT
Tahimik lang ang naging byahe namin ni Vince. Bumalik kame sa bahay nila dahil masyado na daw gabi at madilim na ang daan kaya bukas na daw nya ako ihahatid sa bahay namin. Sinalubong kame ng dalawang body guard at saka binuksan ang gate.
Sobrang layo kasi at loob na loob ang bahay nila Vince. Aaminin ko na natakot ako kanina. Alam kong mali ang desisyon ko na magpaiwan doon. Hindi ko naman kasi alam na kapag umalis si Vince ay magiging madilim na madilim ang lugar.
I hated myself for showing Vince my weak side. Niyapos ko pa sya kanina pero ayoko man aminin sa sarili ko it feels good noong niyakap nya ako kanina. Its every comforting pakiramdam ko I’m fragile and for once kaya akong protektahan ng isang tao.
I know malakas ako, matapang pero deep inside I’m weak, I need attention, I need comfort, I need someone. Kaya naman masyado ako dumepende sa ate ko noon. Aaminin ko na may part sa sarili ko na sinasabing maaring tama nga si Vince sa mga sinabi nya kanina pero lahat na lang ba ng tao kailangan ako iwan?
Sinalubong kami ng ilan pang body guard. Seriously ilan ba ang body guard sa bahay na to? Nagdire-direcho kami sa loob at nadatnan si Grace na nanonood ng movie. Tila nagulat sya ng makita kame
“Oh akala ko ba ihahatid mo? Bat andito kayo?” sabay subo ng pink na stick o.
‘Madilim na sa daan bukas ko na ng umaga ihahatid.” Ani Vince sa kapatid
“Jimmy ipahanda mo kala manang ang guest room” baling naman nya sa lalakeng sumalubong sa akin kanina pagdating ko
“Wag na Vince doon na lang sya sa kwarto ko matutulog” kumindat pa sa akin si Grace.
“Magmu-movie marathon kami tapos mag girl talk” dagdag pa nya
“Pagod sya Grace” naiinis na sabi ni vince sa kapatid
“No. Its okay” sabi ko naman
Gumuhit ang pilyang ngiti sa labi ni Grace. “Bakit pagod Vince? Don’t tell me…”
Dinampot ni Vince ang unan sa sofa at binato yun sa kapatid nya “Gago” at saka umakyat sa hagdan
“Sa movie room na lang kayo magmarathon susunod ako. Magshower lang” at tuluyan na syang nawala
“Ikaw gusto mo sumabay?” tanong sa akin ni Grace na nakangisi pa din ng pilya
“Mag shower?” nagtatakang tanong ko
“HAHAHAHAH syempre hindi, unless gusto mo sabayan si Vince? What I mean is, gusto mo bang sumabay pag akyat? Papahiramin muna kitang damit” at saka siya umakyat ng hagdan sumunod naman ako.
Napanganga ako ng pumasok kami sa kwarto ni Grace. Kung idi-describe ko in one word ang kwarto nya ay walang iba kundi PINK. Para kang pumasok sa ibang mundo, sa girly na mundo. May pink siyang dingding at napapalibutan ng pink ang buong kwarto nya, pink na bed sheet, pink na unan, pink na salamin, pink na TV, pink na computer, pink na laptop, pink lahat! Okay pwede ko na tong tawaging pink museum.
Hinagis sa akin ni Grace ang isang maong na shorts at isang spaghetti strap na blouse.
‘Sorry France ah wala na kasi ako makitang ibang damit. Tingin ko naman kasya sayo yan”
Tumango na lang ako at pumasok sa banyo. Pagkapasok ko ay puro pink pa din ang paligid. Pink na tiles, pink na shower kulang na lang pink ang kulay ng tubig.
Saktong sakto lang ang damit na binigay ni Grace. Sanay naman ako magsuot ng ganito dahil ganito ako kapag matutulog. Inirolyo ko ang tuwalya sa ulo ko at kumuha ng suklay sa bag ko. Doon na ako magpapatuyo sa baba.
Pagbaba ko ay nag aayos si Grace ng mga CD.
“San mo dadalhin yan?” tanong ko
“Doon sa movie room” nakangising sabi nya. Tinulunagan ko sya sa ibang cd at pumunta kami sa isang kwarto. May malaki itong TV at may mahabang sofa. Sa may sahig naman ay may nakalatag na blanket.
“Look up” sabi ni Grace
Kumunot ang noo ko at nginuso niya sa akin ang itaas.
Nagulat ako ng bumukas ang bubong ng movie room at tumambad sa amin ang kalangitan na puno ng bituin.
“Nabubuksan?”
“Yep. Movie Marathon under the moon and the stars oh diba?”
Manghang mangha ako. Ang astig naman ng bahay nila. Sadyang mayaman kasi talaga ang pamilya ni Vice Gov bago pa sya pumasok ng pulitika at lahi naman ng mga doktor ang pamilya ni Tita Gelli. Ang alam ko nga may sarili silang ospital.
Ilang sandali pa ay dumating na si Vince. Nakatingala sya habang sinasarhan ang pinto. Basa basa pa ang kanyang buhok na ngayon ay nakababa. Nakasando lamang sya na puti at shorts na hanggang tuhod. Hindi ko alam kung bakit parang ang gwapo nya ngayon sa paningin ko.
Inalis ko ang isipin na yon at inalis ang tuwalya sa ulo ko. Nagsimula akong patuyuin ang buhok ko. nahiga na si Grace sa may blanket sa gilid ko at umupo naman si Vince sa sofa na sinasandalan ko.
“Anong papanoodin?” tanong ni Vince
“France, alam mo ba na ayaw ni Vince ng nakakatakot? Duwag kasi yan hahaha kaya nga di ka hinatid e takot yan na magdrive sya mag isa pabalik HAHAHAHHA”
Yumuko si Vince at kiniliti si Grace. Ang sweet nila tingnan. Naalala ko na naman si Ate.
Nagsimula kaming manood. Napagdesisyonan namin na mag walking dead marathon na lang. nagsususklay pa din ako para matuyo ang buhok ko. Si Vince naman ay nakahiga na sa sofa s likod ko habang ako naman ay nakaupo at nakasandal dito. si Grace naman ay tahimik na natutulog sa gilid ko.
Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko ng hawakan ni Vince ang buhok ko. Lumapit siya sa ulo ko at saka bumulong
“I’m sorry about earlier. I didn’t mean to hurt you Francine.”
Napuno ng katahimikan ang buong kwarto ilang sandali pa ay tumayo si Vince at sinarado ang bubong ngumisi sya sa akin
“Baka umulan. Dyan ka na ba matutulog?”
Tumango ako “baka magising pa si Grace”
“Okay. Should I turn the lights on? Nakakatulog ka ba ng walang ilaw?”
“Yup”
And with that lumabas na sya.
Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam kung bakit parang puno ng tensyon ang paligid. Parang napakaconcious ko kanina habang nandito si Vince. Anong nangyayari sa akin? Nagulat ako ng biglang bumukas uli yung pinto
“Nagdala ako ng kumot at unan. Baka kulangin kayo?”
“Oh thanks Vince”
“Akyat na ako”
“Okay”
Sumarado ang pinto. Okay anong meron? Niyayapos ko ang unan na bigay ni Vince ng biglang bumukas uli ang pinto napaupo ako sa gulat at binato ko ang unan.
“Oh sorry. If you need anything nasa taas lang ako”
“Okay. Thanks Vince”
‘Goodnight”
“Goodnight” at ngumiti ako sa kanya. For the first time eversince we met, I smiled at him.
BINABASA MO ANG
This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)
RomanceHindi normal para kay Francine Mimoto ang manira ng kasal ng may kasal ngunit ng malaman niya ang dahilan kung bakit umalis ng bansa ang kapatid niyang si Venice ay agad nagplano ang dalaga on taking revenge sa lalakeng nanakit sa kapatid niya only...