KAB 50

300 13 1
                                    

A/N: Kakatapos ko lang isulat ang Update. Sabi ko hanggang KAB 50 lang ang Damsel ang totoo nyan balak ko gawan ng book 2 kaso sobrang nagtatalo ang isip ko kaninang umaga. Iniisip ko kung ano ba ang dapat ko gawin sa KAB 50 and then eto na hahaha! Enjoy!

KAB 50

THE MAN I MET YEARS AGO

Nagising ako sa dampi ng sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng aking unit. Tumayo ako at hinila ang kurtina nito. Dinampot ko ang aking cellphone na nakapatong sa table sa gilid ng aking kama. There are few text messages from my friends pero isa lang ang nakatawag ng pansin ko, It’s his name on my inbox.

Bumalik ako sa kama at muling humiga. I smiled at the thought of him last night. Last night, he told me kung gaano nya ako kamahal, kung gaano nya ako gustong makasama habang buhay and make our future together.

Binuksan ko ang mensahe niya

“Good morning pretty,Smile for me please. I love you :* ”

Hindi ko mapigilang hindi kiligin, he always do that to me, napapangiti nya ako effortlessly. I excitedly type a reply

“Just woke up handsome. I smiled at the thought of you this morning. I love you too :* “

Pagkareply ko ay nagtungo ako sa banyo. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Magulong magulo ang alon-alon kong buhok, Maybe kailangan ko ng magpalit ng hairstyle. Naligo ako at saka nag ayos.

Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay chineck ko ang planner ko. Madami pala akong kailangang gawin ngayong araw, sana maisingit ko pa ang pagpapaayos ng buhok.

Isang simpleng white long sleeves at slacks ang napili kong suotin, Makikipagkita kasi ako sa clients, ako ang naatasang mag interview at gumawa ng article para newly wed couples para sa december issue. Huminga ako ng malalim, Naalala ko kung gaano ang pangungulit ni June sa Editor-in-Chief namin para makipagpalit sa akin but I assured her na I can do the interview well. Sumulyap ako ng huling beses sa salamin bago nagpasyang umalis.

Pinindot ko ang elevator pababa. Habang naghihintay ako ay sakto namang tumunog ang cellphone ko

“Hi sa magandang babe ko”

“Hi babe” I flashed a smile kahit alam ko na hindi nya ako nakikita

“How was your sleep?”

“Fine. I slept well, kung hindi lang may interview ako ngayon malamang tulog pa ako. Ikaw?”

“Same. So? Nagbreakfast ka na?”

“Nope pero paalis na din ako so maybe I’ll grab a bite before pumunta sa interview”

“About the interview, are you sure kaya mo? I mean, you can always back out. Pwede naman nating papuntahin si June then ikaw na lang ang magawa ng article”

“I’m okay babe. Ano ka ba, kayang kaya ko yun. Kinakabahan lang ako dahil ngayon ko lang ulit gagawin to”

“Sure ka?”

“Yep sure na sure na sure po”

“Call me if you need anything,alright? I’ll see you later. I love you”

“I love you” at naputol na ang linya

Naglakad ako patungo sa aking sasakyan. Tiningnan ko ang iilang CD ko sa sasakyan, right there I saw my Katy Perry’s CD Collection. I can still remember how I love singing and dancing her songs while driving pero ngayon hindi ko na yun magawa so instead I open the radio para naman hindi ako mabore sa byahe. I guess, I need to buy new CD’s later.

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon