Ikalabing-dalawang kabanata (Latigo)

33 3 0
                                    

NANG makaalis si Heneral ay mabilis akong nagtungo kay Ginoong Delio at akin siyang kinumpronta. Ginoog Delio, nais ko lamang itanong sa iyo kung bakit mo ito ginagawa sa akin? Ako ba’y mayroong pagkakasala sa iyo o sa inyo upang ako’y inyong pagtulungan?” nanatiling mahinahon ang aking boses kahit na nais ko silang kagalitan. Ayokong magkaroon kami ng alitan dahil sila’y aking mga kababayan.


Umangat ang kaniyang tingin sa akin, siya’y nakaupo ngayon sa lapag at nagbubungkal ng lupa upang pagtamnan ng mga binhi na nanggaling pa raw sa bansang Espanya.


“Nais mo talagang malaman kung bakit namin ito ginagawa? Bakit hindi mo tanungin ang iyong sarili? Sa tingin ko’y mayroon ka ng ideya kung bakit ganito ang pakikitungo namin sa iyo!” namumuhing tugon niya bago niya iiwas sa akin ang kaniyang paningin at bumalik sa kaniyang gawain.


Walang pag-aatubiling tumabi ako sa kaniya’t tinulungan ko siya sa pagbubungkal ngunit tumayo siya’t iniwan sa lapag ang kaninang hawak niyang mga binhi’t kalaykay.



“Ako’y walang alam kung kaya’t itinatanong ko iyon sa iyo ngayon. Sabihin mo sa akin kung anong dahilan ng iyong sama ng loob upang kayo’y aking maunawaan?” Iniangat ko sa kaniya ang aking paningin at hinihintay ko ang kaniyang sagot.



Napansin ko ang namumuong luha sa kaniyang mga mata dahilan para mapatayo ako’t alamin kung anong dahilan ng kaniyang pagluha. Ginoong Delio?”



Tuluyan nang bumagsak ang luha niya at mapait na ngumiti sa kawalan. “Kailanma’y ’di kami nagawang ipagtanggol ni Heneral Isidro sa kaniyang Ama, hindi niya rin nagawang iligtas noon ang aking ama na dating hardinero dito, binugbog siya ng walang kalaban-laban ng Gobernador-heneral pagkatapos niyon ay pinugutan pa siya ng ulo’t ibinalandara sa bayan na siya’y isang magnanakaw. Ngunit nang dumating ka. . .” saglit siyang huminto at pagak na tumawa.


“Nakisali na siya sa kaguluhan dito, palagi siyang nagmamalasakit sa iyo at ipinagtatanggol ka. ’Yong mga bagay na hindi niya ginagawa noon ay ginagawa na niya ngayon at sa iyo lang. Kung kaya’t kung ikaw ang siyang aking nasa kalagayan, ano ang siyang iyong mararamdaman? Napaka-palad mong tao, Ginoo!”


Pagkatapos ng kaniyang mahabang maramdaming salaysay ay tuluyan na siyang lumisan at nagtungo sa kung saan habang naiiwan naman akong unti-unting nilalamon ng hilahil.


Siya pala iyon, siya pala iyong anak ng dating napabalitang pinatay na hardinero dito at ’yon din ang naging dahilan kung bakit nabaril ang tatlong kasamahan kong magsasaka. Ngayon ay naiintindihan ko na siya o sila kung anong dahilan ng kanilang sama ng loob. . . ngunit iyon naman ay ’di ko kasalanan.


Sa kabilang bahagi nitong puso ko’y dismayado ako kay Heneral Isidiro. Bakit nga naman sa akin lang siya ganito? Ano ba ako para sa kaniya? Dahil lang ba talaga sa ako’y kaniyang kaibigan? Kung nagagawa niya akong ipagtanggol sana’y nagawa niya rin ito noon.


Gayunpaman, siguro’y mayroon siyang sapat na dahilan kung bakit hindi niya iyon nagawa. Alam ko na mayroong dahilan dahil kilala ko na ang pag-uugaling mayroon siya noong araw pa lamang na lumuhod siya sa harapan ni Ginang Florentina sa pamilihan at maging sa harap ng maraming tao.


Patungo na ako ngayon sa balon upang umigib ng tubig at hindi kalayuan mula roon ay nasa palaruan siya’t muling nagsasanay na mamaril. Naalala ko tuloy noong unang beses na nakita ko siya rito, napakisig niya noon sa kaniyang posisyon habang seryoso siyang nakatingin sa kaniyang pinupuntirya.



 Rainbow After The Catastrophe [Boys Love- Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon