Ikalabing-tatlong kabanata (Pasensiya)

34 3 2
                                    


MULA sa ilaw ng gasera na dumadampi sa aking pisngi’y dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit kaagad ko rin iyong naipikit dahil sa kirot na aking nararamdaman. Mayroon yatang pasa ang gilid niyon bukod pa sa mga sugat na natamo ko sa iba’t ibang bahagi ng aking katawan.


Nang maglaon ay matagumpay ko nang naimulat ang aking mga mata’t kaagad bumungad sa aking paningin ang kisameng yari sa pawid na nangangahulugang ako’y nasa bahay-kubo na.


Sino ang nagdala sa akin dito? Gaano ba ako katagal nawalan ng malay?


Iginala ko ang aking paningin at natagpuan kong tulog na ang iba kong kasamahan na lalaki na nasa akin lamang tabi. Mahimbing na rin ang tulog ni Ginoong Delio.


Nasa sampung pinagdugtong-dugtong na papag ang aming higaan, at sa kabilang silid na kung saan nananatili ang mga kakabaiha’y ganoon din karaming higaan ang matatagpuan. May kalakihan itong bahay-kubo dahil may sariling palikuran at maging  lutuan na para lamang sa aming mga manggagawa.



Napatingin ako muli sa itaas at napaisip. Mga kabaro ko ang siyang aking kasama sa silid at madalas kong makita ang kanilang mga naglalakihang hubad na katawan dahil sila’y batak sa trabaho, ngunit kahit katiting na pagnanasa’y wala akong maramdaman sa kanila dahil tanging kay Heneral Isidro ko lamang iyon nararamdaman. Anong ibigsabihin nito? Ako ba’y isang binabae o sadyang nagmahal lang ako kahit kasaria’y balakid sa aming dalawa?



Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga’t maingat akong lumabas ng bahay-kubo kahit na ako’y hirap maglakad dahil sa mga sugat na kumikirot. Hindi dapat ako makaramdam ng pagkadismaya kay Heneral Isidro dahil sadyang ’di sa lahat ng pagkakataon ay naririto siya para sa akin, may tungkulin siya sa bayan na ginagampanan kung kaya’t naiintindihan ko kung bakit ’di siya sumipot kanina upang ako’y kaniyang ipagtanggol.



At isa pa, simula nang siya’y aking iniwasan dapat hindi na ako umasa pa sa kaniya. Kung paano niya nagawang ’di pagtuunan ng pansin noon ang kanilang mga manggagawa’y mas mainam na gawin niya rin iyon sa akin dahil ayokong makaramdam ng inggit ang aking mga kasamahan dahil sa ’di patas na pakikitungo.


Narito ako ngayon sa tapat ng hacienda’t nakatanaw sa itaas ng bintana kung saan naroon ang silid ni Heneral Isidro.

Siya ba’y naroon na? Kung gayo’y nabalitaan niya ba ang nangyari sa akin? Siya ba’y nakaramdam ng pag-aalala? Teka, ano ba itong aking pinagsasabi? Marahil dala lamang ito ng paninibago.



Madilim sa aking puwesto kung kaya’t tiyak na walang makakakita sa akin dito. Maliwanag pa ang kaniyang silid na nangangahulugang siya’y gising pa.



Anong iyong ginagawa, Heneral Isidro? Ikaw ba’y pagod dahil sa iyong lakad? Ako ba’y iyong iniisip sa mga sandaling ito dahilan upang ika’y ’di dalawin ng antok?


G-Ginoong Tapioca? A-Anong ginagawa mo rito?” wika ng pamilyar na boses mula sa aking likuran dahilan para tubuan ng ugat ang aking mga binti’t paa.


’Di magkamayaw sa pagwawala ang aking puso, daig pa nito ang isang maliksing kabayong matulin na tumatakbo. Pilit ko mang pakalmahin ay lalo lamang itong nagiging agresibo.



“Kumusta na ang iyong pakiramdam? Sa tingin ko’y dapat hindi ka na muna bumangon sa iyong higaan upang ika’y lubos na makapagpahinga.” dagdag na aniya pa, bago siya tumabi mula sa aking puwesto.


 Rainbow After The Catastrophe [Boys Love- Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon