Unang kabanata- Ang Paglitaw ng Bahaghari

95 4 7
                                    

PIGIL ang hininga, nanginginig at nakakuyom ang aking mga kamao na humarap ako sa aking likuran. Gayon na lamang ang pagkabilog ng aking labi nang mabungaran ko ang sundalong Espanyol na nakaluhod at bahagyang hinihimas ang likuran ng matanda.

Totoo ba itong nakikita ko? Ito ang unang beses sa tanang buhay ko na nakakita ako ng isang banyagang nagkaroon ng malasakit sa mga kagaya namin.



Mula sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mestizo at may kapulahang mga balat ay napako ang aking paningin sa kaniyang kulay tableyang mga mata. Ang mga mata n’yang humihingi ng paumanhin at nangungusap.



Naniniwala ako na pagkatapos ng mga unos na inyong nararanasan ay may isang bahagharing guguhit sa bughaw na kalangitan na nangangahulugan ng bagong pag-asa.  Ngumiti siya sa akin bago n’ya ibalik ang paningin sa Ginang at tulungan itong tumayo nang maayos.


Hindi lang siya isang sundalo na may magandang puso kun’di isa rin siyang makata at dalubhasa sa wikang Tagalog. Isa itong hindi kapani-paniwalang pangyayari dahil maging ang mga taong nakasaksi sa kaniyang ipinakitang kilos ay nagulat at lubos ang pagtataka. Sino ba naman ang mag-aakala na iba siya sa mga kasamahan n’ya? Wala!



Señor. . . b-bakit?” nawiwindang na tanong sa kaniya ng kaniyang kaharap, ngunit tumingala lamang ang binatang sundalo sa kalangitan at pinagmasdan ang mga ibong malayang lumilipad sa himpapawid.

“Katulad ng mga ibong iyan. . .” Nilanghap n’ya ang sariwang hangin na humahampas sa kaniyang mukha habang nakapikit at muli iyong iminulat upang salubungin ang paningin  ng luhaang matanda. “Dapat ay may kalayaan kayong mamuhay nang malaya sa paraan na gusto o nais n’yo, nakapanlulumong isipin na ang mga kalahi ko pa ang siyang nagiging dahilan ng pagdurusa’t paghihirap n’yo.”



Lubos na nakagigimbal ang kaniyang sunod na ginawa dahil lumuhod siya sa harapan ng lahat at tumingin siya sa mga taong nakapaligid sa kaniya bago muling bumaling ng tingin sa aking direksiyon.


Humihingi ako ng kapatawaran sa mga kalahi kong lubos ang kalupitan at kawalanghiyaan—”


May mababago ba dahil ginawa mo iyan?” putol ko sa kaniyang nais na sabihin. Bakas sa kaniyang mukha ang labis na pagkagimbal dahil sa aking itinuran. Hindi ko na naiwasan ang pagbugso ng galit sa aking puso. Alam kong mali na ibunton sa kaniya ang kasalanan ng mga kalahi n’ya ngunit sa mga sandaling ito ay hindi na ako nakapagpigil pa.


Ang paghingi mo ba ng kapatawaran ay muling makapagbibigay buhay sa mga taong binitay ng mga kalahi mo? Mapagagaling ba n’yan ang mga sugat at galos na idinulot n’yo sa aming puso?” Pinunasan ko ang luhang lumandas mula sa aking mga mata habang nakatingin ako sa kaniyang maamong mukha.


Ngunit gusto ko lang naman na ibsan ang pangamba sa inyong mga puso at mabatid n’yong hindi lahat ng Espanyol ay kasing-sama tulad ng iniisip mo. . . n’yo!” Nakita ko ang paglandas ng ilang butil ng mga luha mula sa kaniyang mga mata, ngunit mabilis siyang yumuko at pinunasan  iyon gamit ang mga palad.


Hindi ka dapat makaramdam ng awa, Tapioca! Kumpara sa kaniya ay higit na mas nahihirapan ang mga taong pinatay at nawalan ng minamahal sa buhay!


 Rainbow After The Catastrophe [Boys Love- Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon