Ikalabing-apat na kabanata (Gitara)

36 2 0
                                    

GUSTUHIN ko mang ’di maniwala’y umaasa ako na totoo ang mga hinala ni Ginoong Delio. Ang sabi ko’y kalilimutan ko na itong damdamin ko para sa kaniya ngunit magagawa ko ba iyon kung malalaman kong mahal niya rin ako?


Tumigil ka, Tapioca! Hangga’t ’di siya umaamin sa iyo’y huwag kang maniniwala sa pananaw ng iba! Kailangan mo ng sapat na katibayan!


Kinagabihan ay nagtungo ako sa Hardin, bitbit ko ang gasera’t ibinigay na liham noon ni Binibining Sylvia sa akin. Nakalimutan ko na iyong basahin pa’t ngayon ko lamang iyon naalala.


Naupo ako sa upuang yari sa bato at inilagay sa gitna ng maliit na lamesa ang gasera upang magbigay liwanag.


Ginoong Tapioca,

                 Wala na akong oras para ikuwento ito sa iyo dahil may kahabaan itong aking sasabihin. Nakatutuwa man kung iisipin ngunit noong pinuntahan kita sa hacienda Garcia ay nilakasan ko lamang ang aking loob. Pasensiya na kung muntik na akong mapahamak dahil sa aking kapilyahan. Pagkababa ko noon sa pader ay kaagad akong tumalilis ng takbo at nagpagulong-gulong sa isang masukal at madamong daan upang ako’y ’di nila mapansin. Nakaiinis nga’t pinagkakaagat pa ako noon ng antik dahilan para magmukha akong hinog na kamatis sa sobrang pagkapula ng aking katawan. Nakatatawa, hindi ba?


                      Nais ko ring sabihin sa iyo na iingatan mo sana ang puso mo’t mag-iingat ka dahil baka kapag nalaman ni Gobernador-heneral na ikaw ay umiibig sa kaniyang Unico hijo ikaw ay kaniyang ipaligpit. Alam mo na naman sigurong maaaring si Heneral Isidro ang posiblemg sumunod sa mga yapak niya, kung kaya’t kapag kaniyang natunugan na maaari kang maging hadlang sa kaniyang hangarin ay maaari kaniyang ipabitay pati na rin ang iyong mga magulang. Ako’y hindi tutol sa inyong pagmamahalan ngunit kung buhay ng kaibigan ko na ang nakataya’y mas pipiliin ko ang kaligtasan mo— ang buhay mo, kaibigan ko. Nawa’y palagi kang nasa maayos na kalagayan, ikaw ay pihahalagan ko nang sobra.

                                   Nagmamahal,
                                  Binibining Sylvia.



Sa una’y natawa ako sa kaniyang mga sinabi. Alam ko na ang dahilan kung bakit hirap na hirap ikuwento iyon sa akin ni Heneral Isidro dahil sadya nga naman iyong katawa-tawa ngunit ngayo’y tahimik na lamang ako na  nakatitig sa papel at nalulungkot sa ikalawang talatang nakasaad sa liham.


Kung maaaring humiling ay nais kong mabuhay kami sa hinaharap na kung saan ang pagmamahalan namin ay ’di na hahadlangan ng mga tao, simbahan at makakaya ko siyang ipaglaban ng walang ibang inaalala.


Tangka na akong tatayo mula sa aking kinauupuan ngunit nahinto ako nang marinig ko ang pagtunog ng gitara. Mula sa kapayapaan ng gabi habang tahimik ang kapaligiran at tanging liwanag lamang ng gasera’t buwan ang siyang nagbibigay liwanag ay narinig ko ang isang pamilyar na boses na umaawit hindi kalayuan sa aking kinauupuan.


Sa paglitaw ng bahaghari
Unos ay bibitaw,
Mga kamay natin ay itali,
Pangako sa sandali...


Aunque estén en contra,
No me importa,
Incluso si está mal,
Eres para .


 Rainbow After The Catastrophe [Boys Love- Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon