“NANINIWALA ka ba sa reincarnation, Kuya? Iyong mga taong muling nabubuhay pagkatapos nang napakahabang panahon?” tanong sa akin ng kambal ko na si Crisostomo.Bahagya akong natawa sa biglaang tanong niya. “Reincarnation? Bakit naniniwala ka roon?” natatawa ko pa ring tanong. I didn’t expect him to ask me this.
Ngumuso siya bago napapabuntong hiningang tumingin mula sa malayo at hindi na muling nagsalita pa. Tila nilamon na ng kung anumang ala-ala ang kaniyang isip.
“Hello? Earth to Kuya!” Kinaway-kaway ni Crisostomo ang kamay niya sa harapan ko na siyang naging dahilan para magbalik ako sa kasalukuyan. Hindi ko namalayan na ilang minuto na pala akong tulala sa harapan niya.
“Huh? Ano nga iyong sinasabi mo?”
“Tinatanong kita kung naniniwala ka ba sa reincarnation! Iyong. . .” he trailed of then shrugged, “Mga nabuhay raw muli ngunit sa ibang katauhan na? Mga namatay na matapos ang ilang siglo o taon ay muling isinilang bilang bagong tao?” Mababakas sa kapatid ko ang paghihirap kung paano ipaliliwanag sa akin ang kaniyang ibig ipakahulugan, but little did he know, narinig ko pa lamang ang salitang reincarnation ay parang gusto na namang maglakbay ng isip ko patungo sa nakaraan.
“Oo naniniwala ako sa reincarnation. It’s sound weird though, but I’ve dream things that seems to be so real, surreal, and it felt like we literally experienced everything from the past.”
“Dreams? From the past?” nagugulumihanang tanong niya.
“Naniniwala ako sa reincarnation. Naniniwala ako sa muling pagkabuhay, Crisostomo.” I said to him before I smiled again. “It’s unbelievable but I dream almost every night. Nakasuot ako ng lumang kasuotan at isa raw akong anak ng magsasaka na naninilbihan sa dating Gobernador-heneral ng Pilipinas.”
I felt a pain in my chest for some unknown reason. Those memories seem to bring great sorrow to my heart. Pakiramdam ko’y totoo lahat ng iyon. Na para bang parte iyon nang nakaraan kong buhay. May lalaki rin akong nakikita sa aking panaginip na ’di ko maaninag ang mukha, ’di ko maalala ang buong itsura niya ngunit noong nasa panaginip ko siya’y malinaw na malinaw siya sa paningin ko.
I woke up in a daze and looked at Crisostomo when he suddenly let go of the light stick he was holding. Nanginginig ang kaniyang mga labi’t nagsimulang mamasa ang kaniyang mga mata. “K-Kuya Khane, may k-kaibigan ka bang babae sa panaginip mo? May naging kaibigan ka bang babae na nagngagalang. . . S-Sylvia?” a series of tears came out of his eyes as his voice trembled as he asked me.
My eyes widened when I heard the name he mentioned. The name I will never forget, ang pangalan ng taong naging matalik kong kaibigan sa aking panaginip. Sariwang-sariwa pa sa aking ala-ala kung paano niya ako asarin, damayan, at kung paano siya namatay sa kalunos-lunos na paraan.
Hindi ko magawang ikurap ang aking mga mata. The tears I was trying to prevent from falling flowed like rapid falls. “H-How did you know that? P-Paano mo siya. . . nakilala?”
“I-In my dreams. . . I am h-her. Kaibigan kita sa panaginip ko, Kuya, pero iba ang pangalan mo. Isa akong babae sa panaginip ko na nagtatago sa isang huwad na kasarian sa kapanahunan ng mga Kastila. That’s also the reason why I died. Naging biktima ako ng maling pagmamahal,” he continued to confess even though his voice was shaky and almost cracked.
BINABASA MO ANG
Rainbow After The Catastrophe [Boys Love- Completed]
HistoryczneSOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE ~•~•~• PIP Boys' Love Collaboration Series (Batch-) ~•~•~ Noong taong isang libo, walong daan at animnapu't pito, habang ang ating bansa, ang Pilipinas, ay nasa ilalim pa ng panahon ng kolonya ng...