Ikasiyam na kabanata- Pagkahulog

48 2 0
                                    

NAIPIKIT ko na lamang ang aking mga mata dahil hubo't hubad siya ngayon sa aking harapan. Pagkamulat ko ng aking mga mata'y mas lalong lumantad sa aking harapan ang kaniyang maskuladong kalamnan.


"Heneral!" muling saway ko dahil tangka siyang lalapit sa akin dahilan para ako'y mapaatras. Medyo masikip pa naman ang palikuran kaya madali lang niya akong malalapitan.



"H-Hindi na ito tama!" kinakabahang wika ko ngunit itinaas niya lamang ang kaniyang dalawang mga kamay na nagpapahiwatig na wala siyang ibang gagawin at inginuso niya sa akin ang palayok na nasa kaniyang gilid na inilapag niya yata roon kanina.



Iniiwasan kong mapatingin sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan dahil paniguradong makikita ko ang parte ng katawan niyang 'di ko dapat makita. May pagka-pilyo rin pala siyang ugali at ngayon ko lang iyon nalaman.



Kaagad akong nagtungo sa kaniyang puwesto at yumuko upang kuhanin ang palayok. "Umurong ka, H-Heneral. . . d-dahil baka tumama sa aking m-mukha ang iyong ar-"


"Wala namang malisya kung mangyayari iyon, Ginoo. Pareho lamang tayong lalaki," natatawang putol niya sa aking nais na sabihin.



Dahan-dahan siyang umurong at sumandal sa haliging pawid na yari sa dahon ng niyog. "Kung kaya't hindi rin ako nababahala na baka ako'y iyong pagnasaan." Pinasadahan niya ng tingin ang aking kabuan. "Ngunit kung hindi ka komportable'y hayaan mong ako na lamang ang umasikaso sa aking sarili't hintayin mo na lang ako sa labasan."



Walang pag-aatubiling pigil ang hiningang iniabot ko muna sa kaniya ang aking hawak at lumabas ako ng palikuran habang ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng mumunting mga pawis sa aking noo.



Marahang umihip ang hangin kung kaya't kahit papaano'y naibsan ang init na aking nararamdaman. Isang uri ng pakiramdam na masasabi kong nangungulila sa haplos ng kaniyang kasintahan.



Maghunos-dili ka, Tapioca, dahil pareho kayong Ginoo. Hindi maaaring magtalik ang dalawang taong may iisang kasarian kung ayaw mong mabitay sa lalong madaling panahon!



Naupo ako sa ilalim ng silong ng puno ng Kaimito. May bunga rin ang mga iyon, ngunit mas maliit kumpara sa mga dala ko para sa aking pamilya. Nakatingala ako sa itaas ng puno at taimtim kong pinagmamasdan ang mga ibong Maya na nakadapo sa sanga habang marahan na umiihip ang hangin na sinasabayan nang paggalaw ng kulay berde na may halong lila na mga dahon nito. Pilit kong inililihis sa ibang bagay ang aking isipan.



Hindi naman ako dating ganito. Kailanma'y hindi ako nakaramdam ng init ng katawan sa kapuwa ko lalaki. Ngunit iba ngayon, nang makilala ko siya, si Heneral Isidro, ay bigla na lamang nag-iba ang aking pakiramdam. Isang pambihirang bugso ng damdamin na hindi ko dapat maramdaman sa kaniya. Ito'y isang kasalanan. . . isang mabigat na kasalanan.



Ano bang dapat kong gawin? Dapat ko ba siyang iwasan? Ngunit paano ko magagawa iyon kung palagi kaming magkasama o 'di kaya nama'y lagi naming hanap-hanap ang isa't isa? Kahila-hilakbot mang pakinggan ngunit sa tingin ko'y gusto ko na siya.




"Anong ginagawa mo rito, kaibigan? Ang akala ko ba'y may gagawin kayong kakaiba sa palikuran? Kumusta ang iyong pakiramdam? Ikaw ba ang nagsilbing Binibini sa inyong dalawa?" Bigla na lamang tumabi sa akin si Binibining Sylvia at katulad nang nakasanayan ay tinutukso na naman niya ako kay Heneral Isidro.



 Rainbow After The Catastrophe [Boys Love- Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon