Ikalabing-pitong kabanata (Liham)

29 3 0
                                    

PAWISANG binitawan ni Ginoong Tapioca ang dalawang baldeng kaniyang buhat sa magkabilang kamay bago iyon isalin sa banga. Humahangos siyang naupo sa lupa na katabi lamang nito, ’di niya inalintana kung marumihan man ang kaniyang kasuotan.



Maliban kasi sa pagod na siya sa gawaing bahay ay nahihirapan na rin ang kaniyang puso na masaktan buhat sa matinding pangungulila kay Heneral Isidro. Magmula kasi nang iwasan niya ito ay ’di na rin siya kinausap o hinanap man lang nito. Nagtataka siya kung bakit bigla na lamang naging ganoon si Heneral gayong noong nakabalik ito sa hacienda’y gustong-gusto pa siyang mayakap nito.



Nakaramdam tuloy siya nang matinding pangamba at pagsisisi dahil sa naging desisyon. Palagi niyang tinatanong ang sarili na kung kinausap at pinansin niya kaya si Heneral ay magiging maayos kaya sila? Ngunit kinokontra naman iyon ng kaniyang isipan dahil palagi niyong pinaalala sa kaniya na masasaktan lang siya dahil malapit nang matali ang lalaking gusto niya sa iba. Mas magdurusa lang siya kapag mas napalapit pa siya sa taong kailama'y ’di maaaring maging kaniya.



Umangat ang kaniyang tingin sa harapan nang makita niya ang dalawang pares ng paa sa ibaba. Bumungad sa kaniya ang nangagambang reaksiyon ni Ginoong Delio na may hawak na isang pilas na papel.



Tangka na sana siyang tatayo upang tanungin ito ngunit kaagad siyang pinigilan nito. Manatili ka lamang sa iyong kinalalagyan. Nababatid kong ikaw ay nakararamdam ng pagkapagod. Narito ako upang ibigay ang liham na ito.” Iniabot nito ang liham sa kaniya. Nakararamdam ito nang matinding pag-alala para sa kaibigan.



Lihim kasi nitong binasa ang liham kanina at lubha itong nasindak sa mga pangungusap na nakalahad sa pilas ng papel na iyon. Alam nitong mali na magbasa ng liham ng iba, ngunit ’di nito kayang magsawalang bahala na lamang lalo na kung buhay na ng tao ang pinag-uusapan.



Saan nanggaling ang liham na ito?nagtatakang tanong ni Ginoong Tapioca pagkatapos niyang kuhanin ang liham. Tangka na niya iyong babasahin, subalit kaagad siyang huminto nang mapansin niyang ’di mapalagay si Ginoong Delio Bakit? Ikaw ba’y may nais na sabihin? Yaong hindi ka na rin naman mapakali riyan ay iyo ng sabihin sa akin.dugtong na aniya pa.



Pinagmasdan siya nitong maigi bago bumaba ang paningin sa liham na nasa kamay niya. “Maaari bang huwag mo na lamang basahin ang liham na iyan?” buong tapang na tanong nito.



Takang napatayo si Ginoong Tapioca mula sa kaniyang kinauupuan at nagugulumihanan niyang sinalubong ang malamig na tingin ng taong nasa kaniyang harapan. B-Bakit? Sandali, hindi kita maunawaan, ibinigay mo ang liham na ito sa akin pagkatapos ay sasabihin mong huwag ko na lamang itong ba—



Pakiusap, maaari bang ako’y iyo na lamang sundin? Ito’y para rin sa iyong sariling kapakanan, kung maaari’y huwag mo na lamang iyan usisain pa.tuloy-tuloy ngunit may diin na pakiusap ni Ginoong Delio. Labis siya naririmarim sa kaniyang sarili dahil huli na nang kaniyang mapagtanto na dapat ay itinapon na lamang niya ang liham na tatlong araw niya na ring itinago.



Tangka niyang aagawin ang liham ngunit mabilis iyong nailayo ni Ginoong Tapioca na masiyadong naguguluhan sa ikinikilos niya.



Ginoong Tapioca! Bumalik ka rito!” umalingawngaw ang malakas niyang boses nang bigla na lamang siyang takbuhan nito. Napaupo na lamang siya sa lapag dahil alam niyang huli na ang lahat. Batid niya ring may karapatan ito na malaman ang nilalaman ng liham na iyon.



 Rainbow After The Catastrophe [Boys Love- Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon