Ikalabing-walong kabanata (Kaparusahan)

37 3 0
                                    

NAKATAKIP ang mahabang tela sa kanilang hubo’t hubad na katawan habang nagsisilbing unan ni Ginoong Tapioca ang isang braso ng kasintahan. Kapuwa sila ngayon nakatingin sa kisame habang may matamis na ngiti sa mga labi. Bagama’t nakararamdam pa rin siya ng hapdi ay hindi siya makikitaan ng pagsisisi sa kaniyang napagdesisyunan.


Bakit ngayon ka lamang nagtungo sa aking silid? Tatlong araw na ang nakalilipas bago ko iyon iniutos kay Ginoong Delio, ikaw ba'y natagalan sa pag-iisip?mayamaya’y tanong ni Heneral Isidro sa kaniya na kanina pa siya pinagmamasdan.


Hinalikan niya ang gilid ng labi nito bago sumagot. “Ang mahalaga’y nagtungo ako rito at katulad ng iyong sinabi’y batid mo na naman kung ano ang siyang aking sagot sa iyong liham.” nakangiting tugon niya. Nagitla pa siya nang bigla na lamang tumagilid ang ulo ni Heneral patungo sa kaniyang puwesto dahilan para muling maglapat ang kanilang mga labi.



Subalit nais kong marinig mula sa iyong mga labi ang mga katagang magpapatunay ng iyong nararamdaman para sa akin. Mukhang nakalimutan mo na yata ang pangungusap na nakalahad sa huling bahagi ng liham, Ginoong Tapioca?” animo’y nagtatampong wika nito habang nakanguso dahilan para sumagi ang mga labi nito sa labi niya.



Muli’y naalala niya ang mga nakasaad sa liham dahilan para siya’y mamula’t muling makaramdam ng saya’t kiliti sa puso. Kaagad naman iyong napansin ni Heneral Isidro dahilan upang ito’y mahawa sa tamis ng pagkakangiti niya.



Ginoong Tapioca,

                   Ayoko nang iwasan ka pa, hindi ko na rin kayang iwasan mo pa ako. Ayoko na ring magsinungaling pa sa sarili ko at magpanggap na hindi ako apektado sa presensiya mo. Ayoko nang linlangin pa itong damdamin ko at umakto na kaibigan lang ang siyang turing ko sa iyo. Sa katunayan, kapag pala pinipigilan ang isang damdamin ay mas lalo iyong lumalim. Alam mo bang lumayo ako sa iyo noong nagtapat ka sa akin hindi dahil sa hindi kita gusto o sa iyo’y wala akong pagtingin, iyon ay sa kadahilanang ako’y nangangamba na baka itong nararamdaman natin ang siyang maging dahilan ng ating katapusan, kung sariling buhay ko ay ayos lang ngunit kung pati sa iyo ay ibang usapan na, kaya mas pinili kong lumayo at iwan ka.


                     Noong sinabi sa akin ni Ama na ipinagkasundo niya ako kay Prinsesa Eleonor ay halos gumuho na ang aking mundo. Hindi siya ang gusto kong makasama, hindi siya iyong taong nagpapasaya sa akin, hindi ako komportable sa kaniya. . . dahil sa iyo, sa iyo ako nagiging totoo, pagdating sa iyo palagi akong nakararamdam ng mga pakiramdam na hindi ko pa nararanasan noon. Hindi ko alam kung binabae ba ako dahil sa dami ng lalaki sa mundo bukod tanging sa iyo lang ako tinamaan ng ganito. Posible ba iyong makaramdam ako ng pagmamahal sa kapuwa ko lalaki ngunit sa iba’y ’di ko iyon maramdaman? Siguro, oo, dahil naramdaman ko na nga sa iyo. Kaya naman buo na ang desisyong kong anyayahan kang tumakas, Ginoong Tapioca, mamuhay tayo sa malayong lugar kasama ang iyong mga magulang. Limang buwan bago kami magtungo sa Espanya ay lumayo tayo, malayo kay Ama, malayo sa mga taong nakakikilala sa atin.

 Rainbow After The Catastrophe [Boys Love- Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon