Ikalawang kabanata- Konsensiya

74 4 0
                                    

NAGKUKUMAHOG kaming lumapit sa kanila habang nakatutok ang patalim ni Ama sa leeg ng binatang sundalo. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa tabak at anumang oras ay handa na n’ya iyong iwasiwas sa ere upang pugutan ito ng ulo.


Ama, maghunos-dili ka sa iyong mga ikinikilos!Kahit na nananakit ang aking leeg at batok ay nagawa kong higitan ang kaniyang braso at agawin ang patalim.


Habang si Ina naman ay mabilis na niyakap si Ama nang mahigpit bilang pag-awat. Asawa ko, huwag ka sanang magpapadaig sa iyong galit. I-Ikaw na lang ang mayroon kami ng iyong a-anak! Kung hindi ka magpipigil ay baka tuluyan ka ng. . . m-mawala sa amin!”

Kaagad na natauhan si Ama at napayakap na lamang siya’t sinubsob ang mukha sa balikat ng kabiyak, habang ako naman ay nakatingin nang masama sa sundalong nakatingin lamang sa kawalan. Ang akala niya siguro’y tuluyan nang magwawakas ang kaniyang buhay.


Ibinaon ko sa lupa ang tabak na aking hawak bago lumapit sa kaniyang harapan. Maituturing bang isang kadakilaan ang iyong ginawa? Magiging matiwasay at mapayapa ba ang aming buhay kung nagawang kitilin ni Ama ang iyong buhay? Huwag kang umakto na nakatutulong ka sa amin dahil baka ikaw pa ang siyang maging dahilan ng aming kamatayan! Inilahad ko sa kaniyang harapan ang aking kanang kamay upang tulungan siya na makatayo, ngunit nanatili lamang nakatuon ang kaniyang paningin mula sa ibaba.


Bakit ayaw mong tanggapin ang aking tulong?” medyo nauubusang pasensiya na tanong ko, ngunit kaagad akong nakatanggap ng kurot mula sa balikat. Bakit, Ina? Kalabisan na ba itong ginagawa ko sa kagaya niyang isang banyagang may dugong bughaw? Ngunit tinitigan niya lamang ako sa mga mata habang siya’y napapailing, samantalang si Ama naman ay tinapik ako sa aking balikat habang siya’y nakaakbay sa kaniyang kapares at nagsimula silang humakbang papalayo sa amin.

Muling dumako ang aking paningin sa ibaba at nakita ko roon ang banyagang humahagulgol habang mahigpit ang pagkakahawak sa mga damo, tila roon niya binubuhos ang nararamdamang pagkasuklam at hinanakit. Ikinahihiya ko ang lahing kinabibilangan ko!Tumingin siya sa aking mga mata, walang kabuhay-buhay ang mga iyon, bago siya tumayo habang nangingibot ang mga labi’t tumalikod.

Balang araw ay magagawa ko ring bumawi sa inyo.” Humakbang na siya papalayo. . . . papalayo sa aking posisyon habang ako naman ay unti-unting nilalamon ng aking konsensiya.

Nagkamali ba ako?

Gusto ko siyang habulin ngunit hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sa kaniya, kung kaya’t napagdesisyunan ko na lamang na sundan sila Ina’t Ama na patungo sa aming tahanan.

Sa kabuting-palad ay wala na roon ang hukbo ng mga sundalo, ngunit nanlumo ako nang madatnan ko ang aming bahay-kubo na tila sinaid ang mga gamit, sinira at isinawalang bahala ang aming paghihirap para maipatayo ang pundasyong ’yon.

Mabilis akong lumapit sa kanila upang tulungan sila na pulutin ang aming mga kasuotan, banga, bilao, at iilang sisidlan na nakakalat sa labas ng aming bakuran at harapan. Maski ang mga baka’t kalabaw na aming pinag-ipunang bilihin ay kinuha’t inangkin nila. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang mapait habang naluluha.


Bakit ako nakokonsensiya sa ginawa ko sa banyagang iyon? Eh, mas doble itong pasakit na aming iniinda dahil sa kalahi niya kumpara sa mga salitang ibinatok ko laban sa kaniya!



 Rainbow After The Catastrophe [Boys Love- Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon